DOH

Unang kaso ng Covid-19 variant na Arcturus naitala sa PH

198 Views

NAITALA sa bansa ng unang kasi ng COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16 na kilala rin bilang Arcturus, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH ang unang kaso ay taga-Iloilo at walang naranasang sintomas.

Ang Arcturus variant, na isang sublineage ng Omicron, ay nasa kategoryang under monitoring ng World Health Organization (WHO) at European Center for Disease Prevention and Control (ECDC).

Patuloy umano ang ginagawang monitoring upang malaman kung mas mapanganib ito. Na-detect na ito sa 33 bansa.

Nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng mga nahahawa ng Covid-19 sa Pilipinas.