BBM

Uwian na may nanalo na!

417 Views

Kalye Survey:

Ito ang fearless forecast ng pinagkakatiwalaang ‘information and statistical data provider’ na SPLAT Communications matapos ideklarang ‘game over’ na ang halalan sa pampanguluhan dahil tiyak na ang pagkapanalo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kahit hindi pa man nag-uumpisa ang botohan ng May 9 elections.

Ang dahilan ay ang napakataas na 54.2 percent na nakuha ni Marcos sa pinaka-latest na Kalye Surveys na isinagawa noong March 1-15 o kulang dalawang buwan bago ang inaabangang halalan.

Ang respondents dito ay 3,000 ayon sa report.

Malayong nakasunod kay Marcos si Leni Robredo na may mababang 13.4 percent, sinundan ni Manny Pacquiao na may 8.5 percent, pang-apat si Isko Moreno sa 8 percent at panglima si Ping Lacson na mayroong 1.8 percent.

Ayon sa SPLAT Communications, lumilitaw na mayroong 13.23 percent pa ang ‘undecided.’

Ang SPLAT Communications ay isang information and statistical data provider na katuwang ng consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS) upang maayos na maitala ang mga datos na nalikom sa organikong Kalye Surveys.

“It’s really game over, folks … Even before the first ballot is cast, the Filipinos have spoken — game over,” pagtitiyak ng SPLAT.

Ang margin of error sa pinaka-latest na Kalye Survey result ay +/- 1.79 percent, habang ang confidence level ay 95 percent.

Kung pagbasehan ang mga rehiyon na may malalaking voting population, nabatid sa isinagawang Kalye Surveys sa Metro Manila o National Capital Region na si Marcos ay may impresibong 58 percent; si Isko ay 29 percent; Leni 8 percent; Pacquiao 2.7 percent, at si Lacson ay may 1.3 percent.

Ang undecided ay one percent.

Sa balance Luzon na sakop ang Cordillera Administrative Region at Ilocos Region hanggang Bicol Region, si Marcos ay 55.2 percent; Leni 18.9 percent; Isko 7.3 percent; Pacquiao 2.6 percent, at si Lacson ay 2 percent, habang 14.1 percent ang undecided.

Arangkada rin ang lamang ni Marcos sa Visayas mula sa nakuhang 40.1 percent.

Sina Pacquiao at Leni ay ‘statistically tied’ sa ‘second and third spots’ na may 15.3 percent at 14.4 percent, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Nakasunod sa kanila si Isko na may 4.9 percent; si Lacson ay 2.2 percent ang ‘undecided’ ay 23 percent.

Sa Mindanao ay bandera rin si Marcos sa nakuhang 61.3 percent. Si Pacquiao ay pangalawa sa 17.5 percent; pangatlo si Isko sa 6.8 percent, habang sina Leni at Lacson ay nagkasya sa ‘ fourth and last spot’ sa 3.8 percent at 1.3 percent, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Naitala ang 9.4 percent para sa mga ‘undecided.’

“Former Senator Ferdinand ‘BBM’ Marcos, Jr. maintains his nationwide majority preference share at 54.2 percent. He ranked first in all cluster of regions except for the Visayas where his preference share fell before the majority zone. However, he still has a comfortable 24 percent lead points over his nearest opponent,” ayon sa SPLAT.

“In the case of VP Leni, she is only third in the NCR, 2nd in the balance of Luzon, statistically tied for second and third spot in the Visayas and miserably fourth in Mindanao. How can she be expected to win when she has not even ranked first in any regional cluster at all? The best rank she got was in the balance of Luzon because the Bicol region is included in this cluster. However, she is still bumped off the lead in this cluster by former Senator BBM with over 39% lead points. Worst for VP Leni is in the Mindanao cluster where BBM dominates her with over 57 percentage point lead,” dagdag pa sa report.

Itinatama rin ng SPLAT ang mga naglalabasang tarpaulins na minamali ang numero sa balota ni Marcos.

“BBM is No. 7 and not 10 as can be seen in the tarp. As we have accurately predicted the attacks, misinformation will only intensify and escalate as the election day draws ever closer. With 54 days before May 9, everything will turn worst before it gets better. It is very important not to be complacent or to fall in a sense of security as every trailing candidate will do whatever it takes to pull their opponents down to lift themselves up,” sabi pa nila.