Frasco

Valentine’s gift ni Rep. Frasco sa Mc riders: Libreng gasolina

Mar Rodriguez Feb 15, 2024
95 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4KASABAY nang pagdiriwang ng Valentine’s Day ipinakita ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang kaniyang “napakalaking puso” matapos itong mamahagi ng libreng gasolina para sa mga motorcycle riders sa Araw ng mga Puso.

Tuwang-tuwa ang libo-libong motorcycle riders matapos silang makatanggap ng libreng gasolina mula kay Frasco. Mismong ang kongresista ang personal na naglagay o nagkarga ng gasolina sa motor ng mga riders bilang regalo nito sa Araw ng mga Puso noong February 14.

Sinabi ni Frasco na ang ipinamahagi nitong libreng gasolina ay galling mismo sa kaniyang “personal funds” na nagkakahalaga ng P100,000. Habang ginanap ang pamamahagi nito ng “free gasoline” sa Compostela, Cebu na dinagsa naman ng napakaraming motorcycle riders.

Ayon kay Frasco, ang bawat motorcycle rider ay napagkalooban ng libreng P500 na halaga ng gasolina o full tank. Nakipag-ugnayan sila sa Quent Fuel Gas Station sa Barangay Magay, sa Compostela, Cebu na isinabay sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Hindi naman matapos-tapos ang pasasalamat ng napakaraming motorcycle riders na nabahaginan ng pa-libreng gasolina ni Frasco. Kung saan, napakahaba ng pila ng mga motorista para sa makakuha ng libreng gasolina.

Nauna rito, pinangunahan ni Frasco ang “turnover” ceremony at pagpapasinaya ng flood control project nito na nagkakahalaga ng P77.1 million sa Barangay Dunggoan, Danao City kasunod ng pag-turn over nito ng isa pang “flood control” project sa Barangay Guinsay na nagkakahalaga ng P77 million.

Sinabi ni Frasco na ang nakalulunos na kalagayan ng mga residente ng dalawang Barangay ang nag-udyok sa kaniya para pasimulan at mailunsad ang nasabing proyekto dulot ng matinding pagbaha sa Barangay Dunggoan at Barangay Guinsay dahil sa pag-apaw ng ilog sa mga nasabing lugar.