Valeriano

Valeriano hiniling kay PBBM na manghikayat pa ng ibang water concessionaire

Mar Rodriguez Jul 2, 2023
131 Views

HINIHILING ng isang Manila congressman at Chairman ng House Committee on Metro Manila Development kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mag-anyaya o manghikayat pa ang Pangulo ng ibang private players para sa water industry o bilang water concessionaire.

Ginawa ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairperson ng Committee on Metro Manila Development sa Kamara, ang kahilingan nito kasunod ng kaniyang suwestiyon kay Pangulong Marcos, Jr. kaugnay sa inirereklamo nitong “water interruption” sa Kalakhang Maynila.

Nauna rito, sinabi ni Valeriano na mayasdo umanong nakapanlulumo ang serbisyo ng mga kasalukuyang “water concessionaire” dahil sa nararanasang water interruption ng publiko na tumatagal aniya ng halos labing-tatlong (13) oras kada araw na nagsisilbing kalbaryo ng mga mamamayan.

Binigyang diin ni Valeriano na ang kaniyang naging pahayag ay sa gitna naman ng ibinigay nitong babala para sa mga nasabing water companies patungkol sa matinding epekto na inaasahang idudulot ng napipintong El Nino phenomenon kaya hindi maaari ang paulit-ulit na water interruption sa Metro Manila.

Dahil dito, iminumungkahi ni Valeriano kay Pangulong Marcos, Jr. na manghikayat pa ng ibang water concessionaires upang magkaroon ng mas mahusay at maayos na water supply sa Metro Manila. Bilang paghahanda narin sa matinding epekto na posibleng idudulot ng El Nino phenomenon na inaasahang magtatagal hanggang sa unang quarter ng susunod na taon o 2024.

Ipinaliwanag din ni Valeriano na napaka-halaga na ang mga papasok na bagong players para sa water concessionaire ay mga tunay na expert o bihasa sa pamamaraan ng pagsu-supply ng tubig o may kaalaman kung paano sila makapagbibigay ng mahusay na serbisyo bilang supplier ng tubig.

Muling binigyan diin ng Manila solon na kinakailangan na ang mga bagong players ay hindi lang basta mga negosyante na ang iniisip lamang ay kung papaano sila kikita ng malaki. Kundi mga bihasa sa larangan ng Engineering na ang layunin ay kung papaano sila makabibigay ng de-kalidad sa serbisyo sa publiko.

“Sana ay makahikayat ang ating Pangulo ng iba pang players o water concessionaire. They too can get the supply from our bodies of water for free but they must invest in better water clean-up and distribution technologies. Mahalaga din na may nalalaman sila in terms of Engineering at hindi lang basta mga negosyante na ang iniisip agad ay kung papaano sila kikita ng malaki,” sabi ni Valeriano.

Una na rin sinabi ni Valeriano na alinsunod sa ibinigay na babala ng PAGASA, tiniyak nito na malakas, matindi at magtatagal ang El Nino Phenomenon na inaasahang aabot hanggang unang quarter ng susunod na taon (2024) na makaka-apekto sa napakaraming Pilipino.

Aminado din ang mambabatas na sa kasalukuyan ay walang kakayahan ang gobyerno na magkaroon ng sariling water supply katulad sa bansang Singapore na mayroong pag-aaring Singapore’s Public Utilities Board (PUV). Kung kaya’t nagti-tiis na lamang ang publiko sa serbisyo ng dalawang kompanya.

“As our government lacks the fund to launch such an extensive operation. Our water concession may have to expand by way of having more private players in the water industry. Dalawa lang kasi sila sa ngayon. Razon-Ayala’s Manila Water and the Pangilinan’s Maynilad. The should have expertise in waterworks engineering and innovation. El Niño and dry season to come yearly due to climate change. Mindset in doing infra is towards “oversupply capacity” para hindi habol ng habol ng supply,” ayon pa sa kongresista.