Valeriano

Valeriano: Walang patawad sa kawatan

Mar Rodriguez Sep 23, 2023
510 Views

WALANG patawad sa kawatan!”

Ganito dapat ang maging paninindigan ng gobyerno. Ayon sa Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano matapos ang panibagong eskandalo at kontrobersiyal sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Binigyang diin ni Valeriano na hindi na dapat magpatumpik-tumpik ang pamahalaan at sa halip ay patawan ng kaparusahan ang tatlong tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) matapos makita sa CCTV camera ang isang contractual employee ng OTS na may tila sinusubo sa kaniyang bibig.

Magugunitang “nahuli-cam” ang 28 taong gulang na OTS employee habang may isinusubo sa kaniyang bibig na hinihinalang ito ang nawawalang $300.00 dollars na pag-aari ng isang Chinese national matapos siyang sumailalim sa Security Screening Check point noong September 8, 2023.

Dahil dito, sinabi ni Valeriano na bunsod ng nakaka-eskandalo at nakakahiyang pangyayari sa loob ng NAIA. Muli na naman umanong natambad sa labis na kahihiyan hindi lamang ang pamahalaan bagkos maging ang lahat ng mga Pilipino sa mata ng internation community o sa buong mundo.

Ikinatuwiran ng kongresista na ang mga paliparan katulad ng NAIA ang tinatawag na “gateway” o lagusan ng buong mundo sapagkat hindi lamang aniya isang lahi o nationality ang dumarating sa nasabing airport. Kundi ang lahat ng dayuhan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kaya ang sabi ni Valeriano, hindi umano nakaligtas sa mata ng buong mundo ang nakakahiyang pangyayari sa NAIA na kinasasangkutan ng tatlong empleyado ng OTS partikular na ang 28 taong na babaeng contractual employee nito na kitang-kita sa CCTV na isinusubo ang $300.00 dollars sa kaniyang bibig.

“Nakakhiya ang pangyayari sa loob ng NAIA. Our airports are our gateway to the outside world, labis na paghamak sa ating pagkatao ang ganiyang katiwalian. Kailangan may totoong maparusahan dito. Let us not publicly hesitate to condemn these spoils in the basket,” ayon kay Valeriano.