Calendar
Vargas nagpahayag ng suporta sa sektor ng mga mangingisda
NAGPAHAYAG ng suporta si House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas para sa sektor ng mga mangingisda o “fisherfolks” sa gitna ng kasalukuyang krisis dahil sa kakulangan ng fish production o kakapusan ng supply ng isda sa bansa.
Sinabi ni Vargas na laging pinaghahandaan ng bansa ang pagbaba o pag-decline sa production at supply ng isda. Kung kaya’t bilang mambabatas, ang kaniyang tanging mai-aambag ay ang suportahan ang gobyerno para tiyakin ang kabuhayan o livelihood ng mga apektadong mangingisda.
“The country annually prepares for the declines of the production in the marine capture production and aquaculture sector and as a lawmaker. The best we can do is support the government in ensuring that policies are in place to safeguard the livelihood of our fisherfolks,” sabi ni Vargas.
Ayon kay Vargas, ipinahayag din ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang kakapusan sa fish supply ay inaasahang mararanasan sa fourth quarter ng kasalukuyan taon. Kung saan, inaasahan na aabot sa 57,839 metric tons ang magiging deficit sa fish supply.
Kasabay nito, ipinabatid din ng House Deputy Majority Leader na inihain nito ang House Bill No. 1676 sa Kamara de Representantes nak ilala din bilang “Small-Scale Farmers Cooperatives Act” na naglalayong organisahin ang mga “marginalized fishermen” para sa pagtatatag ng kooperatiba.
“The compliments government efforts to create market linkages for the fishery cooperatives provide them with capacity building and technical assistance so they are equipped to participate in competitive and sustainable marketing,” ayon pa kay Vargas.