Calendar
Vargas pinuri Kadiwa ng Pasko program ni PBBM
PINAPURIHAN ngayon ng isang neophyte Metro Manila congressman ang pagbubukas ng mga “Kadiwa ng Pasko Stores” na programa ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng murang halaga para sa mga Pilipinong mamimili.
Isa ang Quezon City sa mga lumahok sa pagbubukas kamakailan ng “Kadiwa ng Pasko” na inilunsad ng administrasyong Marcos, Jr. upang makatulong sa mga Pilipinong namimili na makakuha ng iba’t-ibang items na mabibili lamang sa napaka-murang halaga.
Pinapurihan din ni Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan din ni Pangulong Marcos, Jr. bilang Kalihim dahil sa tagumpay ng Kadiwa ng Pasko na malaki ang maitutulong para sa mamamayang Pilipino sa gitna ng krisis sa ekonomiya at patuloy na pag-iral ng “health crisis” dahil sa COVID-19 pandemic.
“We express our all-out support to government programs that can ease the burden of our constituents especially from the higher cost of living caused by the pandemic-induced recession,” sabi ni Vargas.
Pinasinayahan naman nina Presidential son at Ilocos Norte Cong. Alexander “Sandro” A. Marcos at QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte-Alimurong ang okasyon kaugnay sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pasko sa QC.
Pinasalamatan naman ni Cong. Marcos ang mga magsasaka, mangingisda at mga negosyante tulad ng micro small and medium enterprises dahil sa suportang ibinigay nila upang maging matagumpay ang Kadiwa ng Pasko program.
“Kadiwa Stores also aim to help our local farmers and producers who can sell their products to Metro Manila and nearby areas while providing access to fresh and affordable food to consumers,” ayon kay Cong. Marcos.