QCPD

Karnaper utas sa engkwentro

147 Views

Patay ang isang pinaghihinalaang karnaper na nakipagbarilan umano sa mga pulis sa Quezon City.

Ayon kay PMAJ Don Don Llapitan, hepe ng District Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police District (QCPD), hindi pa tukoy ang pangalan ng suspek na mayroong tattoo na “Lito Gomez” sa kanyang braso ay “Edwin Ching” sa likod.

Sapilitan umanong kinuha ng nasawi at kanyang kasama ng motorsiklo ng biktimang si Ronan Lamadora sa kanto ng Dhalia St. at Walnut St. sa Brgy. Fairview, Quezon City alas-2:21 ng umaga.

Sumama umano ang biktima sa pag-iikot ng mga pulis at nakita nito ang kanyang motorsiklo sa Mindanao Ave., Extension Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Pinara ng mga pulis ang mga suspek subalit sa halip na huminto ay humarurot umano ang mga ito.

Nang malapit ng makorner ay nagpaputok umano ng baril ang isa sa mga suspek. Isa sa mga bala ang tumama sa bullet vest ng isa sa mga pulis.

Nakipagpalitan ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga suspek.