Alfred Vargas

Vargas sa Comelec, DoE: Tiyaking walang brownout sa araw ng halalan

Mar Rodriguez Apr 5, 2022
219 Views

HINIHILING ng isang Metro Manila solon sa Commission on Elections (COMELEC), Department of Energy (DoE) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na kailangang gumawa ng mga karampatang hakbang para matiyak na hindi magkakaroon ng “brown-out” sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9.

Binigyang diin ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na ang mahinang “power supply” sa mga pampublikong paaralan ay dapat pag-ukulan ng pansin.

Ikintuwiran ni Vargas na kadalasan ang brown-out sa mga nasabing paaralan ay nangyayari sa mismong araw ng botohan. Sinadya man o hindi ang pagkawala ng kuryente.

“The risk of unstable power supplies to our schools should be treated with great concern. Especially as brown-outs during election day have been historically viewed as badges of electoral fraud,” ayon sa mambabatas.

Iginigiit ng kongresista na naging kalakaran na umano sa tuwing magdaraos ng eleksiyon sa bansa na kinakasangkapan ang brown-out bilang instrumento o pamamaraan ng dayaan.

Nananawagan din si Vargas sa multi-sectoral assessment para karkulahin ang sitwasyon ng kuryente sa darating na buwan ng Mayo upang matiyak na hindi tatama o matataon ang brown-out sa msimong araw ng botohan sa Mayo 9.

“The DoE raised the possibility of rational brown-outs and power interruptions due to extremely strained power reserves especially in Luzon. Im am more concerned on this issue,” sabi pa ni Vargas