Calendar

Villar nakuha suporta ng mga magsasaka, mangingisda mula sa Bataan
NAKUHA ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camille A. Villar ang solidong suporta mula sa sektor ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Bataan para sa kaniyang kandidatura sa darating na May mid-term elections.
Kasabay nito, muling binigyang diin ng House Deputy Speaker ang kaniyang suporta at commitment para tulungan ang hanay ng mga magsasaka at mangingisda hindi lamang sa Bataan kundi sa buong Pilipinas.
Ipinahayag din ng mga opisyales ng local government unit (LGU) sa Bataan ang kanilang pagsuporta para kay Villar sa pangunguna nina Bataan 1st Dist. Rep. Albert Raymond “Abet” Garcia, Orani Mayor Efren “Bondjong” Pascual, Jr. at Provincial Board Member Atty. Tony Roman.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Villar na sa tuwing siya ay mapapasyal sa Bataan, maaliwalas ang kaniyang pakiramdam sapagkat ang kaniyang Lola na si Curita “Nanay Curing” Bamba Villar ay ipinanganak sa Orani. Si Nanay Curing ay Ina ni dating Senate President Manny Vilar.
Ipinangako din ng kongresista na magiging priority nito ang Bataan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga tulong para sa iba’t-ibang industriya na naririto partikular na ang agrikultura at pangingisda na pangunahing kabuhayan ng nasabing lalawigan.