Vina Vina Morales

Vina kulang sa bonding kina Heaven at mga kasama

Eugene Asis Mar 24, 2024
216 Views
Heaven
Heaven Peralejo

MATAGAL na hindi gumawa ng pelikula si Vina Morales. Kaya tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ng singer-actress na malaman na kasama siya sa bagong pelikulang “Sunny,’ ang Philippine adaptation ng award-winning at hit South Korean movie (2013).

Kasama niya rito sina Angelu de Leon, Tanya Garcia, Ana Roces, Candy Pangilinan, Katya Santos, at Sunshine Dizon, gayundin sina Heaven Peralejo, Bea Binene, Abby Bautista, Aubrey Caraan, Ashley Diaz, Heart Ryan, at Ashtine Olviga bilang mga batang karakter nila sa pelikula. Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan simula sa Abril 10, 2024.

Kumusta ang kanyang pagbabalik?

“Mostly ang nagawa ko teleserye, magkasunod yun,” ani Vina. “Minsan, switch to concerts, tapos I did Broadway sa New York (‘Here Lies Love’ bilang Aurora Aquino). ‘Yung movie, medyo matagal na. 2014 I think, ‘yung sa amin ni Robin (Padilla, a film about Bonifacio). Tapos, teleserye uli, ‘Marry Me, Marry You’ (Janine Gutierrez and Paulo Avelino). Tapos, tumawag sa akin si Val (del Rosario, anak ni Boss Vic at script supervisor). Sabi, ‘ate, gusto mong gawin ito?’ Ano ‘yan? ‘Padala ko sa ‘yo ang script.’ Eh siyempre sa Viva, kahit ano pa ‘yan. Tapos, adaptation pa ng isang Korean movie. Of course I wanna do that.”

Mas tumaas ang kanyang excitement nang magkausap niya ang anak na si Ceana.

“Maganda rin yung role,” ani Vina. “Actually. ‘yung anak ko mas mahilig sa Korean. ‘Mommy maganda ‘yan.’ Movie raw before. Siya (her daughter, Ceana) ang nakakaalam sa ‘Sunny’ na ‘yan. Mas mahilig siya sa Korean series and movies.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho kasama ang ibang cast members?

“Actually, I’ve worked with most of them. So, working with the present characters, hindi ako nahirapan. I actually enjoyed working with them again as we feel comfortable with each other. ‘Yung mga younger version namin (Heaven, Bea, Heart, Abby at iba pa), sila-sila ang sama-sama sa scenes. Sa set lang may opportunity na magkasama sama kami lahat. So, konting bonding lang. But hopefully, more bonding soon.”

Samantala, may pressure ba kay Heaven to play Vina’s younger character?

“Noong una po, hindi ko pa po alam na si Ms Vina (ang karakter na gagampanan niya),” sagot ni Heaven. “Pero nung nalaman ko, sabi ko, huh, di ko alam…kaya ko bang maging Miss Vina? Pero at the same time, based on the story and the script naman po it’s good. Hindi na lang ako ganun ka-confident na ma-compare sa physical attributes kasi ibang beauty si Ms Vina. Pero I’m so grateful being the younger Vina Morales po.”