Marian

Marissa nagkaroon ng fear factor kay Marian, iisa ang gusto

Eugene Asis Mar 24, 2024
71 Views

MarissaBETERANA na bilang actress si Marissa Delgado.

Kilala rin siya bilang isang mahusay na kontrabida. Si Marissa, na Maria Epifania Garcia Boyle sa tunay na buhay ay may lahing German sa kanyang father side. Kaya naman, mukha siyang matapang, na siyang dahilan kung bakit na-typecast na siya sa pagiging kontrabida kahit na naging leading lady pa siya ng ilan sa mga top actors noong 60s tulad nina Dolphy, Chiquito at Ramon Revilla, Sr.

Bilang aktres, hindi na rin matatawaran ang kanyang kakayahan dahil dalawang beses siyang nanalo bilang best supporting actress, at naging paborito pa ng National Artist for Film na si Lino Brocka.

Kaya naman, nakatutuwang malaman na nagkaroon siya ng fear factor nang unang makatrabaho ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa bagong primetime series na ‘My Guardian Alien.’

Sa naturang series, siya ang gumaganap bilang mataray na ina ng karakter ni Gabby Concepcion at biyenan naman ng karakter ni Marian.

Nang tanungin siya sa presscon ng ‘My Guardian Angel’ na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City tungkol sa experience niya na makatrabaho si Marian sa unang pagkakataon, sagot niya: “Okay naman. Okay naman, di ba?”

Nagkatawanan ang ibang members ng cast na tila may pahiwatig.
“Nu’ng una, siyempre ako, una ko siyang makakatrabaho, nanonood lang ako sa kanya. Nginingitian ko at saka ‘hello, hi!’

“Ang ganda, ang payat!,” excited na sabi ni Marissa. “Napaka-fragile mo (sabi kay Marian), beso-beso, tapos balik na ako sa baba. Si Marian, du’n naman sa kuwarto niya.”

Patuloy niya, “Minsan lang kami nagkakaeksena, but lately, this is what I felt. Parang close na kami. It’s more than just hi, hello!

“At saka nu’ng una natatakot ako, hindi na ngayon. Medyo ilag ako, siguro dahil tagahanga niya ako. Gandang-ganda ako sa batang ito!” sabi ng beteranang aktres.

Nakangiti namang nag-react si Marian sa sinabi ni Marissa, “Alam n’yo, sa bawat tao na humahanga sa yo o ginugusto ka, e, malaking factor yon sa pagkatao ko. Kasi ibig sabihin, nakaka-influence ako sa kanila.

“Anuman ‘yan, sa pag-arte man yan, sa hitsura man ‘yan, sa pananaw mo man sa buhay.

“So, ang maganda niyan is nagiging magandang influence ka o magandang bahagi ka ng buhay nila. Blessed ako kapag may mga ganoong tao sa akin.”

Natuwa naman si Marissa sa sinabi ni Marian. Ang totoo, hindi lang niya masabi na pareho sila ng crush, ang South Korean actor na si Hyun Bin.

Samantala, may mga anak din si Marissa na nag-aartista, sina Kevin Delgado at Avon Garcia. Apo din niya ang Vivamax star na si Andrea Garcia.