Kathryn2

Kathryn kayang patawarin si Daniel pero…

Eugene Asis Apr 1, 2024
47 Views

Kathryn1INAMIN ni Kathryn Bernardo sa exclusive interview sa kanya ng Mega Magazine kung saan siya ang nasa cover na ginawa niya ang lahat para hindi siya maapektuhan ng breakup nila ni Daniel Padilla na 11 taon niyang nakarelasyon.

Sinikap din niyang hindi magmukhang siya ang aggrieved party at ayaw niyang kaawaan ng iba dahil sa nangyari.

“You have to experience all the process, all the pain, lahat,” sabi niya sa interview.

“But I always make sure that when it comes to my work, nothing is affected.”r

Kailangan daw niyang tumingin sa mga positibong bagay na hatid ng paghihiwalay. Unang-una, hindi naman nasasayang ang kanyang oras. Lagi siyang abala. Pero may mga panahong humihingi rin siya ng pahintulot sa kanyang management na kung maari, bigyan din siya ng ilang araw na pahinga, para makapag-recharge.

Noong birthday niya noong isang linggo, nag-message sa kanya ang dating boyfriend. Wala naman siyang comment, o naging pahayag tungkol dito. Ibig sabihin kaya nito ay napatawad na niya si Daniel?

May nasabi siya noon na kaya niyang magpatawad, pero ito raw ay para sa lamang sa katahimikan ng kanyang pag-iisip.

“Ang lalim kasi ng word na forgiveness,” ayon sa kanya. “For me, you can forgive people who deserve it. But when I forgive you, it doesn’t mean that I have to keep you in my life.”

“I forgive you for my peace of mind, for clarity, and for everything. But it doesn’t mean na pwede kang bumalik,” paglilinaw niya.”I mean, kunwari I got hurt, why would I allow you to come back?”

Aniya, noong Pwebrero ay naramdaman niyang naka-move on na siya. Nobyembre noong isang taon nang kumpirmahin niya ang kanilang paghihiwalay ni Daniel.

Mapapansin na pagkatapos nito, mas maiinit kaysa dati ang kanyang dating sa mga pictorial.

Ibig sabihin, mas gumaganda ang tingin ng marami sa kanya, lalo na ng mga kalalakihan. Marami nga ang tumutukso sa kanila ng ‘Hello, Love, Goodbye’ leading man na si Alden Richards na kasama niya pati ang co-stars ng naturang pelikula na sina Kakai Bautista, Maymay Entrata, Lovely Abella at iba pa sa kanyang birthday party sa resort na pag-aari nila ni Piolo Pascual at sa isang yate sa Palawan. But of course, sa ngayon ay friendship at work related lang ang nakikita ng iba sa kanila.

Kung kailan may papalit kay Daniel sa puso niya ay panahon lang ang makapagsasabi.