Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Villar1

Virtues ng Masonry dapat magsilbing modelo, inspirasyon ng mga Pilipino

Mar Rodriguez May 1, 2025
16 Views

IPINAHAYAG ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) millennial senatorial candidate Camille A. Villar na dapat magsilbing modelo at inspirasyon para sa mamamayang Pilipino ang “virtues” ng Masonry.

Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Villar na magandang tularan ng mga Pilipino ang tinatawag na “Masonic virtues” tulad ng fortitude, prudencw at justice bilang pundasyon sa pagtatatag ng isang makatarungang Lipunan.

Nauna rito, mainit ang naging pagtanggap kay Villar ng Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines kung saan siya ang naging pangunahing pangdangal ng mga miyembro nito.

Sabi ng kongresista sa kaniyang talumpati na ang kaniyang Lolo na si Dr. Filemon C. Aguilar ay isang Mason at mahigpit na advocate ng serbisyo publiko kung saan bilang legacy ng kaniyang Lolo. Ipinangalan sa kaniya ang Dr. Filemon C. Aguilar Logde No. 332 sa Las Piñas.

Binanggit din ni Villar ang halimbawa ng kaniyang Lolo na namuhay sa virtues ng Masonry na nagsbing inspirasyon naman nito sa kaniyang pagsisilbi sa bayan.