Sara

VP Sara caretaker habang wala si PBBM

146 Views

SI Vice President Sara Duterte ang magsisilbing caretaker ng bansa habang nasa biyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil bago umalis ang Pangulo patungong Washington DC.

Inaasahan na makaka-usap ni Pangulong Marcos si US President Joe Biden sa kanyang pagpunta sa Amerika.

Si Marcos ay magtatagal sa US hanggang Mayo 4 at pupunta sa London para sa koronasyon ni King Charles.