Sara Vice President Sara Duterte Source: Screen grab from FB Video

VP Sara huwag kang pa-victim, wag mong isangkalan OVP staff— House Majority Leader Dalipe

18 Views
Dalipe
House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe
Source: FB

PINATUTSADAHAN ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City si Vice President Sara Duterte sa kanyang estratehiya ng paglihis ng isyu upang makaiwas umano sa pananagutan sa mali umanong paggamit ng kabuuang ₱612.5 milyong confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“Huwag kang pa-victim. Tama na ang pambubudol. The Vice President should stop using her staff as human shields. It is about time she face Congress, answer the questions and stop blaming others for her failures and fear of accountability,” ayon kay Dalipe.

Ito ang mariing tugon ng Majority Leader sa pahayag ni Duterte na ang kanyang mga staff at opisyal, ay pawang hindi mga politiko, kaya’t hindi dapat gisahin sa Kamara ukol sa diumano’y maling paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd, na pinamunuan niya hanggang sa magbitiw bilang Education Secretary noong Hulyo.

Tinawag ni Dalipe ang mga pahayag ni Duterte bilang “isa na namang manipulasyon o budol tactic mula sa Pangalawang Pangulo.

“The Vice President has been hiding while letting her staff take the heat. This is pure cowardice disguised as victimhood,” dagdag pa ni Dalipe.

Ang House Committee on Good Government and Public Accountability, na kilala rin bilang House Blue Ribbon Committee, ay nakapagsagawa na ng anim na pagdinig upang imbestigahan ang kahina-hinalang paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.

Sa kabila ng bigat ng isyu, sa unang pagdinig lang dumalo ang Pangalawang Pangulo—kung saan tumanggi siyang mag-oath, sa halip ay nagbasa kaniyang nakahandang pahayag, at umalis nang hindi sumasagot sa mga tanong ng mga mambabatas.

“After six hearings, why has she refused to appear again? Instead, she sends career officials who have no personal knowledge of how these funds were used,” punto pa ni Dalipe.

Ang mga pangunahing opisyal ng OVP na tinukoy bilang bahagi ng “inner circle” ni Duterte—na sina Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, Special Disbursing Officer Gina Acosta, at mag-asawang Edward at Sunshine Charry Fajarda—ay paulit-ulit na dinedma ang mga imbitasyon at subpoena mula sa Kamara. Dahil dito, sila ay pinatawan ng contempt at ipinapaaresto.

Nagbago ang takbo ng imbestigasyon sa ikaanim na pagdinig nang dumating si OVP Undersecretary at Chief of Staff Zuleika Lopez matapos ang mga paulit-ulit na imbitasyon at subpoena.

Gayunpaman, ang kanyang mga pag-iwas na sagot at malinaw na mga pagtatangkang protektahan ang sarili mula sa pananagutan, kaya’t pinatawan siya ng contempt at ikinulong sa Kamara dahil sa hindi tamang panghihimasok sa proseso ng imbestigasyon.

“Instead of addressing the questions head-on, Vice President Duterte spins a narrative to paint herself as a victim of political persecution. The truth is, this isn’t about politics—it’s about accountability,” diin pa ni Dalipe.

Binigyang-diin ng mambabatas mula sa Zamboanga City ang tungkulin ng Kamara na tiyakin na ang mga pondo ng bayan ay nagagastos ng tama at may transparency.

“It is the duty of Congress to ensure that every peso of taxpayers’ money is used properly and for the benefit of the people. If there’s nothing to hide, there’s no reason to dodge questions,” ani Dalipe.

“But the continuous evasion and attempts to shield her actions only prove there’s something Duterte doesn’t want the public to know,” dagdag pa ng mambabatas.

Muli namang hamon ni Dalipe kay Duterte na tigilan na ang pag-iwas, sa halip ay harapin ang mga mambabatas at magpaliwanag.

“Seeking the truth is not an attack—it is our responsibility as public officials entrusted with the people’s money,” giit pa nito.

“Stop hiding behind your staff and career officials. Stop using them as scapegoats to avoid answering the nation’s questions. Face Congress and explain yourself.” dagdag pa ng kongresista.