Sara VP Sara Duterte

VP Sara nilagay mga estudyante sa peligro sa di paggamit ng DepEd ng P2B pondo

121 Views

MAITUTURING na criminal negligence ang pagkabigo ng Department of Education (DepEd), sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte, na gamitin ang P2.08 bilyong pondo sa ilalim ng 2023 Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) dahil naglapit ito sa kapahamakan sa mga mag-aaral, ayon kina House Assistant Majority Leaders Paolo Ortega at Jay Khonghun.

Sa panahon ng pamumuno ni Duterte sa DepEd noong nakaraang taon, naglaan ang Kongreso ng P2.14 bilyon para sa Disaster Preparedness and Response Program (DPRP) at P2 bilyon para sa Quick Response Fund (QRF) o kabuuang P4.14 bilyon.

Ang naturang halaga ay bukod pa sa P2.24 bilyong DRRM funds na hindi nagamit mula sa nakaraang mga taon.

Sinabi nina Ortega at Khonghun na nabigo ang DepEd na gamitin ang pondong ito para tiyakin na mayroong sapat na pasilidad sa mga pampublikong paaralan para malimitahan ang epekto ng kalamidad at banta sa kalusugan ng mga estudyante, guro at school support staff.

“In Mindanao, there are hundreds of learners in public elementary schools who had no choice but to attend classes in school buildings that were already weakened and rendered unsafe by a recent Magnitude 6 earthquake. Millions in taxpayers’ money was already spent on Temporary Learning Spaces (TLS) but these were not put to good use,” ani Ortega.

Ayon sa ulat ng Comission on Audit (COA), tinukoy na sa Region 11, sa ilalim ng Schools Division Office (SDO) ng Island Garden City of Samal, may nakitang mga bitak sa mga silid-aralan at mga gusali ng paaralan na ginagamit pa rin. Partikular dito ang paaralang elementarya ng Libertad, Guilon at Cogon.

Sa San Jose National High School na nasa parehong SDO pa rin, hindi magamit ang TLS dahil hindi pa nailipat ang linya ng kuryente kaya kahit na mapanganib ay patuloy na ginamit ng mga estudyante ang lumang gusali.

“The students cannot use the newly built TLS because the equipment being used for their classes were not moved. Teachers were understandably worried the televisions, projectors and other equipment would be lost. These are basic stuff that should have been anticipated and properly addressed,” sabi ni Khonghun.

Nakasaad sa DepEd Department Order No. 024 s. 2021 na gagamitin ang mga TLS upang maiwasam ang pagkaantala ng mga klase sa panahon ng sakuna o emergency habang nagbibigay ng ligtas na mga pasilidad sa pag-aaral.

Nagbabala ang mga auditor na dahil sa mahinang pagpaplano at hindi wastong pangangasiwa ng mga pondo upang makumpleto ang TLS ay napilitan ang mga mag-aaral sa paggamit ng mga hindi ligtas na silid-aralan na maaaring magresulta sa karagdagang mga biktima kung muling magkaroon ng malakas na lindol.

Mula sa pondong P2,138,322,997.59, inilipat ng DepEd Central Office ang P2 bilyon sa mga regional offices at iniwan ang balanseng mahigit P138 milyon.

Ayon sa ulat ng DepEd noong 2023 na inilabas ng COA, ang DepEd regional offices sa Central Luzon (RO-3), Eastern Visayas (RO-8) at Caraga (RO-13) ay may hindi nagamit na pondo mula sa DRRM funds.

Bigo rin ang DepEd RO-8 na sumunod sa kinakailangang pamamahagi ng DRRM fund na 70 porsiyento para sa disaster preparedness at 30 porsiyento para sa QRF.

“The problem is the Central Office was too slow in submitting the guidelines on the authority and approval of the downloaded funds. This creates the impression that no proper monitoring was undertaken to safeguard the DRRM Funds,” saad ni Ortega.

Ang mahinang pamamahala ng pondo ng DepEd sa ilalim ni Duterte ay nagpahina sa fiscal discipline lalo na bukod pa sa natuklasang mga iregularidad ng mga auditors sa paggamit ng disaster funds.

Ilan sa mga natukoy na iregularidad sa paggastos ng DRRM funds ay ang paggamit nito para sa biyahe, accommodation at seminar ng mga SDO officials, hindi magandang pagkakagawa sa mga gusali ng paaralan at support facilities, hindi napagtuunan ng pansin na mga trabaho sa istruktura ng paaralan, at pinekeng mga ulat sa natapos at estado ng mga gusali.

“The sheer absence of concern regarding the welfare of our young learners hints at an appalling level of incompetence by the person in charge. That so much resources were either unused or misused is simply disgraceful, but the fact that it is the public school students who were victimized is nothing short of criminal,” wika pa ni Khonghun.