SWS

Walang trabaho kumonti—SWS

164 Views

NABAWASAN ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa third quarter survey ng SWS, nakapagtala ito ng 16.9 porsyentong walang trabaho na katumbas ng 7.9 milyong Pilipino. Mas mababa ito kumpara sa 22.8 porsyento o 10.3 milyong Pilipino na walang trabaho batay sa second quarter survey ng SWS.

Ang naitala sa survey noong Setyembre ang pinakamababa mula ng maitala ang 15.7 porsyento noong Disyembre 2017.

Sa pinakahuling survey, 63.3 porsyento ang labor force participation rate na katumbas ng 46.5 milyong Pilipino, mas mataas sa 61.6 porsyento o 45.3 milyon na naitala noong second quarter.

Ginawa ang third quarter survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023. Kinuha rito ang opinyon ng 1,200 respondents.