Korean

Wanted na Korean nat’l timbog sa NAIA

Jun I Legaspi Sep 14, 2024
101 Views

INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang Korean national na pinaghahanap sa kanyang sariling bansa dahil sa umano’y panloloko.

Ayon kay BI Officer-in-Charge (OIC) Joel Anthony Viado, naaresto ang 56-anyos na Koreano sa BI headquarters sa Intramuros, Manila noong Setyembre 12.

Naharang ang dayuhan matapos ipakita ang kanyang bagong pasaporte sa immigration regulation division ng BI para sa pagproseso.

Natuklasan na ang suspek may warrant of arrest na inisyu ng Seoul Jungang District Prosecutor’s Office noon pang 2021 para economic crimes

Natuklasan na naglabas na rin ng red notice ang Interpol laban sa dayuhan dahil sa umano’y pagtatangay ng mahigit $1 million US dollar sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga aplikasyon sa pautang.

Agad siyang inaresto ng mga ahente ng fugitive search unit (FSU), at nahaharap ngayon sa deportasyon ng sa BI.

Mananatili sa BI detention sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig ang suspek habang hinihintay ang kanyang deportasyon.