Calendar

Wanted sa rape sa kulungan natagpuan
SA loob ng piitan nagwakas ang pagtugis ng mga pulis sa isang akusado ng panghahalay ng menor-de-edad na bata noong Miyerkules sa Caloocan City.
Natuklasan ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) director P/BGen. Josefino Ligan na nakapiit na pala sa Caloocan City Jail ang akusadong si alyas Dodie na mahigit isang taon ng nagtago matapos kasuhan ng paulit-ulit na panghahalay sa biktima.
Pinangunahan ni District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) chief P/Col. Allan Umipig ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay alyas Dodie sa Caloocan City Jail dakong ala-1:00 ng hapon.
Nagsimula ang manhunt ng pulisya sa suspek ng ilabas ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Glenda Cabello Marin ng Branch 124 ang warrant of arrest laban sa akusado para sa tatlong bilang na kaso ng statutory rape na walang inirekomendang piyansa.