Waste-to-Energy Bill pinamamadali ni PBBM sa Kongreso

Chona Yu Sep 27, 2024
86 Views

HUMIHIRIT si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa dalawang kapulungan ng Kongreso na madaliin ang pagpasa sa “Waste-to-Energy Bill.”
Ito ay para matugunan ang pagbaha sa bansa.

“We have to look at it in a more urgent sense because it really becomes such an important part of the flood control program,” pahayag ni Pangulong Marcos sa ika-6 na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) full meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

Aprubado na sa ikatlong pagbasa sa Kamara ang Waste-to-Energy Bill habang nasa ikalawang pagbasa pa lamang ito sa Senado.

Mahalaga ayon sa Pangulo na mabusisi ang panukalang batas lalot mahalagang diskusyon ang waste-to-energy measure sa flood control bunga ng problema sab asura.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na nakatulong ang waste-to-energy projects para maibsan ang baha ng 40 porsyento.

Mahalaga ayon kay Pangulong Marcos na maipatupad ito sa local government level.

“I think waste-to-energy now has taken on a new role. It is no longer just for garbage, or waste disposal or waste management. It is also now very much part of the flood control effort,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kasama ni Pangulong Marcos sa LEDAC meeting sina Senate President Chiz Escudero at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.