Willie

Willie babalik na, Cristy may tanong

Eugene Asis Mar 1, 2024
221 Views

CristyPAGKATAPOS ng halos  isang taon ng paghahanap, mukhang nakita na ni Willie Revillame ang kasagutan upang makabalik sa ere ang kanyang show na ‘Wowowin.’

Balitang nagkapirmahan na si Willie at ang bilyonaryo na si Antonio ‘Tony’ Co para ibalik ang show ng TV host na kaagad nawala noon sa ALLTV ng isa pang bilyonaryo na si Manny Villar noong Abril ng nakaraang taon dahil sa napakababang ratings nito.

Ayon sa balita, hindi lang ang pagbabalik ni Willie at ng ‘Wowowin’ ang balak na itulak muli ng bilyonaryong tagapagligtas na si Tony Co (na nagmamay-ari ng  Carrascal Nickel Corporation at presidente ng Philippine Nickel Industry Association), kundi nakipagkasundo na rin ito sa TV host na bilhin ang mamahaling yate  nito.

At hindi lang ‘yan. Pinag-uusapan na rin nila ang bentahan ng multi-billion peso mansion ni Willie sa Tagaytay, na matagal nang napapabalitang up for sale. Ayon kay Willie, mas gusto na niya ngayon ng mas simpleng buhay. Totoo ba?

Well, kayang-kayang isalba ng bagong tagapagligtas si Willie sa kalagayan niya ngayon. Bukod pa sa mga naunang nabanggit na kompanya, si Tony Co rin ang nagma-may-ari ng Aquatica Boracay.

Ang problema, hindi pa rin alam kung anong network ang magbubukas ng pintuan kay Willie.

Matapos niyang iwanan ang GMA7, at mag-flop sa ALLTV, hindi naman natuloy ang usapan nila ng state-owned PTV-4 gayundin ng IBC-13.

May balita namang kailangan talaga ngayon ni Willie ng suportang pinansiyal mula sa mga malalaking tao dahil may balak itong tumakbong senador sa 2025. Ito raw ang dahilan kung bakit napagkikita si Willie sa ilang prayer rallies sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pero ano itong pahayag ng katotong Cristy Fermin hinggil sa isang insidente sa isang prayer rally sa Cebu?

Napag-usapan ang isyung ito sa episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, February 26, kung saan nakatanggap daw siya ng mga text message mula sa mga um-attend sa prayer rally.

Ayon sa mga nakasaksi, para daw ginawang noontime at game show ni Willie ang nasabing religious event.

Hirit ni Cristy, “Alam mo, Romel (Chika, co-host ng CFM), nakakahiya kasi prayer rally ‘yun. Dapat hindi niya ginawang salagawsaw ‘yung show. Nakakaloka! Akalain mo ipahiya ‘yong lightmen!?”

Hindi raw alam ni Cristy kung saan uli pupulutin ang TV host kapag ipinagpatuloy nito ang ganu’ng style ng pagmamando at pagpapalakad.

Well, that’s Willie Revillame. When he thinks he’s right, he’s right.