Phillips Dinakdakan ni DLSU’s Mike Phillips si UP’s Zavier Lucero. UAAP photo

Winning streak ng UP, pinutol ng La Salle

Theodore Jurado Nov 21, 2022
340 Views

PINUTOL ng La Salle ang seven-game winning streak ng defending champion University of the Philippines sa pamamagitan ng 82-80 panalo kagabi sa UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Kumabig si Kevin Quiambao ng 18 points at siyam na rebounds habang nag-ambag si Mark Nonoy ng 15 points upang pagbidahan ang Green Archers na manatili sa kontensiyon para sa dalawang nalalabing Final Four slots.

Sa kabila ng pagkatalo – ang ikalawa sa 12 asignatura – nanatiling nasa unahan ng standings ang Fighting Maroons, na nabitawan ang 12-point lead sa second half.

Umakyat ang La Salle sa 5-6 kartada kasosyo ng Adamson, na tinalo ang University of the East, 74-64, sa ikaapat na puwesto.

Nalusutan ng National University ang University of Santo Tomas, 67-57, upang makapuwesto sa Final Four sa unang pagkakatalon magmula pa noong 2015.

Gumamit ang Ateneo ng isang malaking scoring run na tumulay sa third at fourth quarters upang talunin ang Far Eastern University, 71-65, at makalapit sa pag-abante sa Final Four sa ikawalong sunod na season.

Umangat ang Blue Eagles sa 8-3, kalahating laro pa rin ang pagitan sa Bulldogs (9-3) sa karera para sa ikalawang twice-to-beat sa Final Four.

Nagkaroon ng pagkakataon si coach Jeff Napa, na bilang player ay nanguna sa NU sa makasaysayang Final Four appearance noong 2001, ng pagkakataong igiya ang kanyang alma mater sa semifinals at kung papalarin ay sa Finals.

Ang nagawa ng Bulldogs ngayong season ay siyang magbabalik tanaw sa winning vibe sa kaagahan ng nakalipas na dekada, na tinampukan ng pagwawakas ng 60-year championship drought noong 2014, kung saan bahagi si Napa sa coaching staff ni Eric Altamirano.

Hindi tulad sa kasalukuyang koponan na may batang core, matatag ang NU na lumaban sa mga tulad ng FEU, Ateneo, La Salle at UST.

“Yung 2014 and 2015 ibang story iyon eh. Kumbaga ibang scenario iyon. Kasi noong 2013 pa lang, talagang malakas naman talaga iyon. Given na iyon,” sabi ni Napa, na nasa ikalawang second season sa Bulldogs. “Ang good thing lang, lucky ako na napapalibutan ako ng magagaling na coaches. Yun ang tsini-cherish ko dala-dala ko papunta rito.”

Nakatuon na ang NU sa pagtatapos sa top two matapos ang eliminations upang makalapit sa Finals.

“We have to be ready on our last two games in the second round. Hindi lang Final Four ang tinatarget namin dito,” sabi ni Napa.

Nalaglag ang Growling Tigers sa kontensiyon sa ikalawang sunod na season na may 1-10 kartada.

Iskor:

Unang laro

Ateneo (71) — Kouame 20, Padrigao 13, Andrade 9, Ildefonso 8, Garcia 8, Ballungay 5, Koon 4, Lazaro 2, Daves 2, Chiu 0, Quitevis 0.
FEU (65) — Torres 19, Gonzales 15, Sleat 10, Tchuente 8, Añonuevo 8, Bagunu 3, Bautista 2, Alforque 0, Sajonia 0, Sandagon 0, Tempra 0.
Quarterscores: 14-21, 27-41, 49-54, 71-65

Ikalawang laro

NU (67) — Clemente 19, John 12, Baclaan 10, Malonzo 6, Manansala 6, Figueroa 4, Palacielo 4, Enriquez 3, Galinato 3, Yu 0, Mahinay 0, Tibayan 0, Padrones 0, Minerva 0.
UST (57) — Cabañero 20, Faye 11, Pangilinan 8, Garing 6, Calimag 5, Manaytay 4, Duremdes 3, Manalang 0.
Quarterscores: 11-20, 29-36, 46-44, 67-57

Ikatlong laro 

AdU (74) — Hanapi 13, Douanga 13, Manzano 11, Sabandal 10, Flowers 7, Torres 6, Colonia 4, Yerro 3, Manlapaz 3, Barcelona 2, Lastimosa 2, Jaymalin 0, Barasi 0, Fuentebella 0, W. Magbuhos 0.
UE (64) — Villegas 20, Stevens 14, K. Paranada 14, N. Paranada 8, Payawal 6, Sawat 2, Pagsanjan 0, Tulabut 0, Remogat 0, Antiporda 0, Guevarra 0, Gilbuena 0, Lingo-Lingo 0.
Quarterscores: 15-16, 42-23, 56-41, 74-64

Ikaapat na laro

DLSU (82) — Quiambao 18, Nonoy 15, Austria 10, Nelle 9, M. Phillips 8, Abadam 8, B. Phillips 5, Nwankwo 5, Macalalag 4, Estacio 0, Cortez 0.
UP (80) — Lucero 15, Tamayo 14, Spencer 12, Diouf 11, Cagulangan 8, Alarcon 8, Gonzales 4, Galinato 4, Calimag 4, Abadiano 0, Ramos 0.
Quarterscores: 14-18, 35-41, 59-63, 82-80