Wonder boy Kasama ni Carl Jammes Martin (pangalawa mula kanan) sina GAB chairman Bagam Mitra at commissioners Eduard Trinidad at Raul Lagrisola.

Wonder Boy magpapasikat pa

Ed Andaya Mar 26, 2022
568 Views

UMAASA si World Boxing Association (WBA) Asia super bantamweight champion Carl Jammes “Wonder Boy” Martin na makakakuha ng mas magaganda at mas malalaking laban sa hinaharap matapos ang kanyang panalo sa “Ultimate Knockout Challenge” sa Elorde Sports Center sa Parañaque nung nakalipas na March 12.

Tinalo ni Martin, ang 22-year-old champion mula Ifugao, ang kalabang si Ronnie Baldonado via technical knockout upang makuha ang bakanteng WBC Asia title.

Si Martin, na kasalukuyan ding Philippine bantamweight champion ay may hawak ngayon na19-0 record, kabilang ang 16 knockouts.

Binati naman nina Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra at Commissioners Eduard Trinidad and Raul Lagrisola si Martin sa kanyang pagbisita sa GAB office sa Makati kamakailan.

Bago nito, nauna ng nagpahayag ng kagalakan ang GAB sa patuloy na pagbabalik ng iba’t ibang professional sports leagues bunsod ba din ng patuloy na pag ganda ng health situation sa buong bansa.

Matapos ibaba ang sitwasyon sa Alert Level 1, nagsimula na ding magbukas ang nga pangunahing sports leagues, gaya ng PBA at Premier Volleyball League, ngayong buwan ng Marso.

Para sa,GAB, maganda itong senyales para sa mga atleta at iba pang sports stakeholders.

“We are glad that professional sports is now starting to normalize again in the country. But of course, our priority remains to be the safety of our athletes, teams, and game officials against the virus,” giit ni Mitra.

“Kailangan pa din tayong maging alerto sa lahat ng pagkakataon.”