๐Ÿต๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—•๐—ฃ๐—ฆ๐—™ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐˜€๐—น๐—ถ๐—ด ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ

Mar Rodriguez Jun 21, 2024
149 Views

๐—•๐—ฃ๐—ฆ๐—™ ๐—•๐—ฃ๐—ฆ๐—™ ๐—•๐—ฃ๐—ฆ๐—™ ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—š ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ – ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿต๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—™๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ (๐—•๐—ฃ๐—ฆ๐—™) ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฒ ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—•๐—ผ๐˜€๐—ฐ๐—ผ ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ “๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป” ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†, ๐——๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—ก๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป.

Gaya ng naunang inilunsad na “Serbisyo Caravan” sa Tagum City, ganito rin ang naging sistema sa Bislig City kaugnay sa pagkakaloob ng pamahalaan ng tulong para sa libo-libong mamamayan na kasalukuyang nahaharap sa kahirapan sa pamamaraan ng BPSF – ang pilot program ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Nabatid na tinatayang P600 million sa pamamagitan ng government services ang ibinahagi para sa 90,000 benepisyaryo hindi lamang magmula sa lalawigan ng Surigao del Sur bagkos mula pa sa iba’t-ibang bahagi ng CARAGA Region.

Si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez, na isa sa mga pangunahin o “major proponent” ng BPSF, ang kumatawan para kay President Marcos. Jr. habang sampung ahensiya ng pamahalaan ang nagsagawa ng tinatawag na “ceremonial turnover” ng labing-apat na programa para sa mga indigent Filipinos.

โ€œMasaya po tayoโ€™t nakaulayaw natin ang mga Surigaonon sa ating BPSF sa Surigao del Sur para ipaalala sa kanila at iparamdam na ang gobyerno na ni Pangulong Bongbong Marcos ang lumalapit sa kanila para magserbisyo, magpatupad ng ibaโ€™t-ibang programa at ilapit ang tulong sa mga nangangailangan,โ€ pahayag ni Speaker Romualdez.

Sa kaniyang naging mensahe sa harap ng libo-libong residente at mamamayan ng Bislig City na dumalo sa nasabing event sinabi ng House Speaker na, โ€œIto ang sagot natin sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ilapit ang pamahalaan sa mga mamamayan. Ngayon, ang pamahalaan na ang lumalapit sa mamamayan at naglilingkod sa abot ng aming makakaya”.

Binigyang diin pa ni Speaker Romualdez na mahal aniya ni President Marcos, Jr. ang Mindanao at ang patuloy na pagsasagawa ng BPSF sa iba’t-ibang lalawigan ng Mindanao ang matibay na pagpapatotoo ng Punong Ehekutibo na hindi niya aabandonahin ang mga mamamayan na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.

โ€œMahal ni Pangulong Marcos Jr. ang Mindanao, at ang patuloy na pagsasagawa ng BPSF sa mga lalawigan dito ay patunay na hindi maiiwan sa programaโ€™t serbisyo ang ating mga kapatid na taga-Mindanao,โ€ dagdag ni Speaker Romualdez.