Calendar
๐๐ฎ๐๐ผ๐ ๐๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ป๐๐๐ถ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ-๐๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ ๐๐ฎ IGL ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐๐ฑ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ
๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐จ๐๐จ๐๐๐๐๐ก ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ต๐ถ๐ป๐ฒ๐๐ฒ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ ๐ผ “๐ป๐๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐ฒ๐บ๐ฝ๐น๐ผ๐๐ฒ๐ฒ๐” ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ-๐๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฒ (๐๐๐).
Ito ang pilit na hinahalukay ni Valeriano sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety kaugnay sa naglipanang illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa datos, 31,000 Filipino ang nagta-trabaho sa mga IGL sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Habang ang bilang naman ng mga Chinese nationals ay nasa bilang na 35,000 o one-is-to-one.
Nakapaloob din sa datos na 45% ng mga empleyado ng IGL ay mga Pilipino at ganito rin ang bilang ng mga Chinese nationals.
Subalit para kay Valeriano, kuwestiyonable ang nasabing datos sapagkat sa mga raid na isinasagwa ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Usec. Gilbert Cruz kitang-kita aniya na ang puro mga Intsik ang mga nahuhuli habang isa o dalawa lamang ang mga Pilipino na nakasama sa mga dinakip.
“Pero nakikita ko na nagsasagawa ng raid si Usec. Gilbert Cruz. Minsan 200 na Chinese, ang bilang ng mga Pilipino ay isa o dalawa. So gusto ko lang malaman kung saan nanggaling ang datos na ito,” ayon kay Valeriano.
Pagdidiin pa ni Valeriano, hindi aniya pinag-uusapan kung legal o illegal ang POGO na ngayo’y may bagong pangalan na IGL. Dahil kahit sa mga legal IGL operations ay kitang-kita aniya na halos lahat ng mga empleyado dito ay purong mga Intsik o mga Chinese nationals.
Ayon pa sa kongresista, bilang kinatawan ng ikalawang Distrito ng Maynila, nasasaksihan niya ng personal kung gaano karami ang mga naglipanang Chinese nationals na empleyado ng POGO hindi lamang sa City o Manila bagkos sa Pasay City, Paraรฑaque, Cavite at sa marami pang lugar.
“Ako po ah, sa mata ko pa lamang. Titignan ko, marami naman pong legal dito nakikita ko naman. Ako ay congressman ng Maynila kaunting abot ko lang iyan nagkalat po ang mga naglalakad na Chinese nationals na empleyado ng POGO sa Pasay, Paraรฑaque, Cavite. Out of two thousand baka one thousand nine hundred is Chinese,” sabi pa ng mambabatas.