Calendar
๐ต๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐ฏ๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฃ๐ฆ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐น๐ถ๐ด ๐๐ถ๐๐, ๐ฆ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ
๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฌ – ๐ง๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ต๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐ฏ๐ฒ๐ป๐ฒ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ผ ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ (๐๐ฃ๐ฆ๐) ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐น๐น๐ฒ ๐๐ผ๐ต๐ป ๐๐ผ๐๐ฐ๐ผ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ฆ๐๐ฟ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ “๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป” ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ ๐๐ถ๐๐, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ก๐ผ๐ฟ๐๐ฒ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป.
Gaya ng naunang inilunsad na “Serbisyo Caravan” sa Tagum City, ganito rin ang naging sistema sa Bislig City kaugnay sa pagkakaloob ng pamahalaan ng tulong para sa libo-libong mamamayan na kasalukuyang nahaharap sa kahirapan sa pamamaraan ng BPSF – ang pilot program ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.
Nabatid na tinatayang P600 million sa pamamagitan ng government services ang ibinahagi para sa 90,000 benepisyaryo hindi lamang magmula sa lalawigan ng Surigao del Sur bagkos mula pa sa iba’t-ibang bahagi ng CARAGA Region.
Si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez, na isa sa mga pangunahin o “major proponent” ng BPSF, ang kumatawan para kay President Marcos. Jr. habang sampung ahensiya ng pamahalaan ang nagsagawa ng tinatawag na “ceremonial turnover” ng labing-apat na programa para sa mga indigent Filipinos.
โMasaya po tayoโt nakaulayaw natin ang mga Surigaonon sa ating BPSF sa Surigao del Sur para ipaalala sa kanila at iparamdam na ang gobyerno na ni Pangulong Bongbong Marcos ang lumalapit sa kanila para magserbisyo, magpatupad ng ibaโt-ibang programa at ilapit ang tulong sa mga nangangailangan,โ pahayag ni Speaker Romualdez.
Sa kaniyang naging mensahe sa harap ng libo-libong residente at mamamayan ng Bislig City na dumalo sa nasabing event sinabi ng House Speaker na, โIto ang sagot natin sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ilapit ang pamahalaan sa mga mamamayan. Ngayon, ang pamahalaan na ang lumalapit sa mamamayan at naglilingkod sa abot ng aming makakaya”.
Binigyang diin pa ni Speaker Romualdez na mahal aniya ni President Marcos, Jr. ang Mindanao at ang patuloy na pagsasagawa ng BPSF sa iba’t-ibang lalawigan ng Mindanao ang matibay na pagpapatotoo ng Punong Ehekutibo na hindi niya aabandonahin ang mga mamamayan na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.
โMahal ni Pangulong Marcos Jr. ang Mindanao, at ang patuloy na pagsasagawa ng BPSF sa mga lalawigan dito ay patunay na hindi maiiwan sa programaโt serbisyo ang ating mga kapatid na taga-Mindanao,โ dagdag ni Speaker Romualdez.