Romero1

1-PACMAN Party List Group iminungkahi pagtatag ng Public Health Emergency Preparedness Center

Mar Rodriguez Jan 30, 2023
185 Views

BUNSOD nang napakatinding sakuna na idinulot ng COVID-19 pandemic sa kabuhayan, negosyo at kalusugan ng mga Pilipino. Iminumungkahi ngayon ng 1-PACMAN Party List Group sa Kamara de Representantes ang pagtatatag ng Public Health Emergency Preparedness Center.

Isinulong ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D. ang House Bill No. 2935 na ang pangunahing layunin ay upang masagkaan ang muling paglaganap ng epidemiya sa Pilipinas katulad ng nangyari sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Romero na dapat mapaghandaan ngayon pa lamang ang muling pagsiklab ng “health crisis” sa bansa. Sapagkat maraming mamamayan at maging ang gobyerno ay nataranta sa paglaganap ng Corona virus sa Pilipinas kung kaya’t marami ang namatay.

Binigyang diin ni Romero na dahil kulang sa preparasyon ang pamahalaan sa mga pamamaraan na kinakailangang gawin para pigilan ang lumalaganap na COVID-19. Kaya hindi naiwasan na maraming Pilipino ang nag-panic at maging ang ilang mga government officials.

Sinabi pa ni Romero na bagama’t paunti-unti ng humuhupa ang “health crisis” dulot ng COVID-19 pandemic. Subalit mahalaga pa rin aniya na mapaghandaan ang isang panibagong pandemiya sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang center na maaaring matakbuhan sa panahon ng krisis.

Ayon sa kongresista, ang pangunahing tungkulin ng Public Health Emergency Preparedness Center ay upang makapag-balangkas ng mga polisiya, plano at health protocols sa panahon ng pandemiya. Kabilang na dito ang paglalapat ng solusyon sa anomang disease na kakapit sa bawat mamamayan.

Binigyang diin pa ni Romero na ang pinaka-mahalaga ay ang mabilis na aksiyong gagawin ng Department of Health (DOH) at pamahalaan para mapigilan ang paglaganap ng isang disease at maiwasan na ang panibagong health crisis sa bansa.