Calendar
1-stop shop sa mga siyudad, munisipalidad sa Cavite inilunsad
GENERAL TRIAS CITY–Inilunsad sa bawat lungsod at munisipalidad sa Cavite ang Business-One-Stop-Shop para sa mga magbabayad ng taunang buwis na mga negosyante at residente.
Ang Dasmarin̈as, Imus, Bacoor at General Trias naglunsad ng kani-kanilang mga programa upang hikayatin ang mga mamumuhunan na magbayad ng buwis sa oras.
Sa Imus City, pinabilis ang Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) para sa mga negosyanteng nag-a-apply ng business permit mula Enero 2 hanggang Enero 20, 2025 sa discounted rate.
Maaaring bumisita ang mga nagbabayad ng buwis sa New Imus City Government Center, Imus Blvd., Brgy. Masarap mula Lunes hanggang Biyernes.
Maaari ring mag-apply online sa pamamagitan ng pagbisita sa City of Imus eBOSS website www.egovcityofimus.ph/bpl.
Sa General Trias City, inilunsad ang GenTri Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) simula Enero 6 hanggang Pebrero 14, 2025 sa City of General Trias Cultural and Convention Center, Brgy. Sampalucan (Poblacion).
Maaaring mag-apply o mag-renew online ang mga business owner gamit ang QR Code o URL https://egovcityofgeneraltrias.ph/bplo. Hindi pinapayagan ang walk-in.
Ang lokalidad na ito mayroon ding libreng sakay mula sa lobby ng city hall hanggang sa Convention Center para sa mga nagbabayad ng buwis sa panahon ng programa.
Sa Dasmarin̈as City, ang eBOSS gaganapin sa Dasmarin̈as Arena sa Brgy. Burol Main para sa mas maraming espasyo at komportable para sa lahat ng nagbabayad ng buwis mula Enero 2 hanggang 20, 2025.
Ang priority lane maaaring ma-avail ng mga senior citizens, mga taong may kapansanan at mga buntis na kababaihan sa pagproseso ng mga buwis sa negosyo sa lungsod.
Nagbibigay din ng libreng serbisyo ang Dasmarinas mula sa lumang city hall sa Poblacion hanggang sa Dasma Arena mula alas-7:15 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Sa Trece Martires City, binati nina Mayor Gemma Lubigan at Vice Mayor Robert Montehermoso ang unang 3 business owners na nag-renew ng kanilang business permit noong Enero 2.
Sa Noveleta, ibinalik sa regular na araw mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon na pansamantalang may opisina sa 2nd floor ng Primark Mall sa Brgy. Magdiwang.