Andanar

100% capacity sa mga establisyemento pinayagan ng IATF

235 Views

PINAYAGAN ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang 100 porsyentong capacity sa mga establisyemento na nasa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar dapat magpakita ng vaccination card na nagpapatunay na fully vaccinated na ang indibidwal na papasok sa indoor establishment o sasama sa isang pagtitipon.

Ang pagbabago umano ng panuntunan ay napagkasunduan sa pagtitipon ng mga miyembro ng IATF noong Sabado.