Calendar
12 Chinese national huli sa ‘scam hub’ sa Paranaque
ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 12 Chinese nationals dahil umano sa panloloko habang limang Filipino rin ang binitbit dahil umano sa panunuhol sa mga arresting officers, nitong Miyerkoles.
Sanib-puwersa ang mga tauhan ng NBI-Cybercrime Division (CCD) at NBI-Special Task Force (STF) sa nasabing operasyon upang tulungan ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpapatupad ng Mission Order,
Ang BI din ang naatasan na magsagawa ng beripikasyon at imbestigasyon laban sa mga foreign nationals na natuklasan sa Ri Rance Corporate Center II Aseana City, Tambo,Paranaque City na lumabag umano sa Philippine Immigration Act.
Nasaksihan ng mga awtoridad ang fully operational office na nakaset-up ng isang scam hub na malinaw na nagpapakita na ang mga indibidwal sa loob ay sangkot sa scamming activity .
Nalaman din ng mga digital forensic agent ng NBI-CCD na nagbunga ng positibo sa pagkakaroon ng romance o love scam script, mga messaging application na may mga fictitious account, bank account, at mapanlinlang na cryptocurrency scam, at pekeng investment scheme na nagresulta ng pagkakaresto ng mga dayuhan.
Kinilala ang mga foreign nationals na sina Xu Chao, meng Wei Shi, Xing Chao , Qin Hai Feng, Li Xiang Hua, Zhang Wei, Wang Qin Xiang, Wang Jia Fa, Jiang Qi Long, Luo Shang fen, Qixin Wang at Chen Jiang Song.
Naaresto rin ang nagpakilalang interpreter na si Ezechiel Bernales, Filipino-Chinese na nagpahayag na sina Wang Qin Xiang at Qixin Wang, ay nag-aalok umano na magbayad ng P300,000 para sa bawat naarestong indibidwal o kabuuang P3.6 miyon kapalit ng paglaya ng 12 Chinse nationals.
Sa entrapment operation, inaresto rin ang magdadala ng nasabing halaga sa NBI parking lot na si Robustiano Hizon kasama ang iba na sina John Abunda Villanueva, Kristoffer Ryan Habelito Baguna at Hanif Mala Bautil.
Iniharap na sa City prosecutors Office ng Paranaque City para sa inquest proceedings ang mga dayuhan na nahaharap sa patong-patog na kaso. Sa Pasay City Prosecutors Office naman ipinrisinta ang limang Filipino para sa kasong corruption of public officials.