13 OFW naiuwi mula sa Sri Lanka

242 Views

NAKAUWI na sa bansa ang 13 Pilipino na nagpa-repatriate mula sa Sri Lanka na nakararanas ngayon ng economic crisis.

Sa pahayag na inilabas ng DFA, sinabi nito na ang mga naka-uwi ay anim na babae, dalawang lalaki at limang minor de edad.

Ayon sa DFA ay darating ang iba pang Pilipino na nagpapa-repatriate sa mga susunod na araw.

Umabot umano sa 114 Pilipino ang humingi ng tulong sa DFA upang maka-uwi sa Pilipinas. Inaasahan na makababalik na sa bansa ang lahat ng ito sa ikalawang linggo ng Agosto.

“The DFA continues to assist all distressed Filipinos overseas, including undocumented contract workers. We are coordinating with the Department of Migrant Workers and other concerned agencies during this transition period, as the DMW sets up its Migrant Workers Offices abroad,” sabi ni Foreign Affairs Acting Undersecretary Eduardo Jose de Vega.

Patuloy din umano ang ginagawang pagbabantay ng Philippine Embassy sa Bangladesh at Philippine Honorary Consulate General sa Colombo sa sitwasyon sa Sri Lanka.