Reyes

17% ng mga batang estudyante na-iisip mag-suicide nakakabahala

Mar Rodriguez Feb 21, 2023
736 Views

NAALARMA ngayon ang ANAKALUSUGAN Party List Group matapos matuklasan sa isinagawang pag-aaral na 17% ng mga batang mag-aaral ang nakaka-isip magpakamatay. Kasabay ng panawagan nito sa Senado na ipasa na nila ang kaparehong panukalang batas o “counterpart measure” kaugnay sa “mental health bills” para sa mga paaralan.

Sinabi ni ANAKALUSUGAN Party List Congressman Ray T. Reyes na ikinabahala nito ang inilabas na pag-aaral ng Department of Health (DOH) noong 2021 sa isinagawang briefing ng House Committee on Welfare of Children na 17% ng mga bata at adolescents ang nakakapag-isip magpatiwakal.

Ayon kay Reyes, lalo siyang nabahala nang idagdag pa ng DOH sa kanilang report sa nasabing Komite na ang “suicide ideation number” ay tumaas mula 597,000 noong 2013 at umabot ng 1.5 million (mga bata o kids) noong 2021. Kung saan, lumabas din sa report na 7% dito ang mga batang dumudulog sa kanilang mga magulang o guardians para humingi ng tulong.

“This is alarming. Our children spend most of their time learning to navigate life from what they learn at school. Their young minds are still in their formative years and with the data showing that our children prefer seeking help from their friends that their guardians only shows that professional help is much needed,” sabi ni Reyes.

Maging si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D. ay nagpahayag na rin ng labis na pagkabahala kaugnay sa naturang usapin. Kung saan, sinabi ni Romero na lumabas din sa pag-aaral ng DOH na noong kasagsagan ng COVID-19 Pandemic. Tinatayang apat na daang (400) estudyante ang nagpakamatay habang 2,000 mag-aaral naman ang nagtangakang magpakamatay.

Dahil dito, sinabi ni Romero na bilang mga mambabatas, obligasyon nilang pangalagaan (safeguard) ang kaisipan o mind at mental health ng mga kabataang mag-aaral. Kung kaya’t napakahalaga na magkaroon ng mga panukalang batas na magbibigay ng proteksiyon sa mga batang estudyante.

Nananawagan din si Romero sa Department of Education (DepEd) na kailangan nilang mag-recruit, magsanay at kumuha ng karagdagang “mental health professionals” sa mga public schools. Bukod dito, data din aniyang matuguan ng DepEd ang iba’t-ibang emotional at development needs ng mga estudyante, guro at school personnel.