19-anyos tinarget ng ligaw na bala, tigok

1 Views

TODAS ang 19-anyos na binata na tinamaan ng ligaw na bala habang sakay ng motorsiklo noong Biyernes sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa MCU Hospital ang biktimang si Christian Jay del Pilar ng Brgy. Balon Bato, Quezon City.

Sa report ng Talipapa Police Station ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Ilalim ng Tulay ng nabanggit na barangay.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima kasama ang iba pang kaibigan na naka-motor din ng makarinig ng putok ng baril.

Ayon sa kaibigan ng biktima na Jen Mark Sanchez, nagulat na lang sila nang nagpagewang-gewang ang biktima at bumangga sa motorsiklo ng isa pa nilang kaibigan hanggang sa bumagsak.

Dito na nila nakita na may tama ito ng bala ng baril sa katawan. Itinakbo pa nila sa ospital ang biktima subalit namatay din.