NHA

1K pamilya sa Caloocan nakakuha ng ayuda sa NHA

Edd Reyes Sep 14, 2025
373 Views

MAHIGIT 1,000 pamilya sa Caloocan ang nakinabang sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA), isang programa na bahagi ng Handog ng Pangulo Serbisyong Tapat para sa Lahat.

Katuwang ng Caloocan, sa pamamagitan ng Housing and Resettlement Office (HARO) at ng Caloocan City Social Welfare and Development Department CSWDD), tumanggap ang bawa’t pamilya ng P10,000 na tulong pinansyal.

Nagpasalamat si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa NHA at binigyang-diin ang inisyatiba ng lokal na pamahalaan na palakasin ang kanilang programang pabahay.

“Makaaasa po ang NHA at iba pang ahensya ng pamahalaang nasyonal na mananatili nilang katuwang ang ating administrasyon sa pagsasaayos ng sistema ng pabahay sa ating lungsod. Maraming salamat po sa inyo.

Hindi naman po lingid sa ating kaalaman na mayroon pa tayong mga kababayan na wala pang kasiguraduhan pagdating sa kanilang mga tahanan.

Kaya mula noong nagsimula ang ating pamumuno, sinimulan natin ang pagpapatayo ng Deparo at Banker’s Residences, kasabay pa ng pagtulong sa ating mga matagal nang residente ng Caloocan na magkaroon ng Certificate of Entitlement for Lot Allocation (CELA),” dagdag ni Mayor Along.