Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

2 arestado sa pagnanakaw

261 Views

ARESTADO ang dalawang lalaki na nagnakaw umano sa isang bahay sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala PLTCOL Von June Nuyda, hepe ng Novaliches Police ang mga naaresto na sina Marlon Molina Macalla, 21-anyos, at Aladin Barrios Gabayero, 22-taong gulang, at ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sinira umano ng mga suspek ang lock ng pintuan ng bahay ni Rhoann Mecado Nuevo, 25-anyos, sa Sta. Monica Village, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, alas-4:30 ng hapon noong Sabado, Oktobre 22.

Nakita umano ng isang kapitbahay ang ginagawa ng dalawa at nagsisigaw ito. Nagkataon naman na may nagpapatrolyang mga pulis sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Narekober umano sa mga suspek ang cellphone ng biktima, dalawang relo, at kuwintas.