Wanted sa pagpatay naaresto ng kumuha ng police clearance

109 Views

ISANG 57-anyos na lalaki na wanted umano sa kasong murder ang naaresto matapos itong kumuha ng police clearance sa Quezon City.

Kinilala ni PLT Jun Alvarez, hepe ng Police Clearance Office ang naaresto na si Jorge Estayan, 57, residente ng Sanchez St., Bungad San Francisco Del Monte, Quezon City.

Kumuha umano ng police clearance ang suspek alas-3:30 ng hapon noong Biyernes.

Nang ipasok sa PNP E-Warrant System ay lumabas ang kinakaharap nitong kaso.

Ang warrant ay ipinalabas ni Judge Adolfo G. Fajardo, ng Branch 55, Regional Trial Court (RTC), Irosin, Sorsogon. Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.