Calendar

Provincial
2 bata nabagsakan ng pader sa Davao, patay; 1 pa sugatan
Zaida Delos Reyes
May 14, 2025
13
Views
PATAY ang dalawang bata habang sugatan naman ang isa pa matapos na mabagsakan ng pader na tinamaan ng nabuwal na puno nitong Martes ng hapon sa Davao City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Marcus, 7, at Paul, 10.
Ginagamot naman sa Southern Philippines Medical Center ang kasamahan ng mga ito na si Paula Rhiane Suan, 10-anyos.
Batay sa ulat ng Davao City Police Office, naganap ang insidente sa bakuran ng Doña Salud sa Barangay Sasa.
Naglalaro ang mga bata sa lugar nang biglang humangin ng malakas na naging sanhi ng pagkabuwal ng isang puno.
Tumama ang puno sa pader kaya’t bumagsak ito at dumagan sa mga batang naglalaro.
Naisugod pa ang mga biktima sa pagamutan subalit hindi na nailigtas ang dalawa.
Lupa gumuho sa peryahan sa Cotabato, lalaki dedo
May 14, 2025