BBM

2 Chinese company nangakong magsusuplay ng fertilizer sa PH

238 Views

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa dalawang kompanya na nakabase sa China na nangakong magsusuplay ng fertilizer sa Pilipinas.

Ang dalawang Chinese fertilizer manufacturing company ay pumirma ng cooperation agreement kasama ang Philippine International Trading Corporation (PITC) sa state visit ni Pangulong Marcos sa China kamakailan.

“We look forward to a steady supply of fertilizer inputs needed by our farmers through these agreements,” ani Pangulong Marcos.

Dahil sa kakulangan ng suplay ng fertilizer sa bansa ay tumaas ang presyo nito na nagpapataas din sa presyo ng gastos ng mga magsasaka at nagpapamahal sa presyo ng pagkain.

Sa pamamagitan ng dagdag na supplier, mas magiging sapat ang suplay ng fertilizer sa bansa.

Bibilhin umano ng PITC ng bultuhan kaya mababa ang presyo nito ay maibebenta sa mga magsasaka sa mababa ring presyo.

Nakasungkit naman ang Pilipinas ng $2.09 bilyong purchase intention sa China para sa durian, niyog, saging, at mga katulad na produkto.