2 dayuhan tiklo sa gun ban

Edd Reyes May 11, 2022
255 Views

INARESTO ng pulisya ang dalawang dayuhan na sina Andrew Too Teck Wee alyas “Andy Lozada”, 34, isang Malasiyan national na naninirahan sa Sta. Cruz Laguna at Zheng Yi, 29, Chinese national na taga-Makati City.

Bigong magpakita ng dokumentong magpapatunay na legal ang pagmamay-ari nila ng baril na nasa loob ng kanilang bagahe habang papasok sa Okada Resorts and Casino na nasa New Seaside Drive, Bgy. Tambo, Martes ng gabi sa Parañaque City.