Jojo

2 ex-actor ng GMA-7  ‘biktima’ rin ng sexual abuse

106 Views

DALAWANG dating aktor ng GMA 7 na sina Sandro Muhlach at Gerald Santos ang tumestigo sa Senate panel noong Lunes, Agosto 19, 2-24, kung saan ay kapwa nila kinumpirma na sila ay naging biktima ng umano’y sexual abuse at harassment sa industriya ng showbiz.

Ayon sa isinalaysay ni Santos na naroon sa pagdinig, ang pangyayari ay kanyang pinagdaanan 19 taon na ang nakararaan noong siya ay 15 taong gulang pa lamang.

“Sobrang sakit po alalahanin. Pinag initan ako ng mga kasama ng gumawa sa akin ng pang haharass. At nasira po talaga ang career ko. Wala po akong nakuhang hustisya nuong mga panahon na yun. At sobrang napaka traumatic po para sa akin gayundin sa aking ama, ina, pati ko lolo ko na namatay two years after na sobrang naapektuhan dahil sa nangyari sa akin,” ani Santos na umiiyak habang nagsalita sa komite.

Base sa kanyang kwento, 15 years old pa lang si Santos nang una siyang sumali sa mundo ng showbiz bilang kalahok sa isang singing competition.

“Sa loob po ng 19 years ay tiniis ko yung lahat ng sakit ng dinanas ko at pati trauma dahil na rin sa takot at kahihiyan. Talagang hindi po namin alam kung anong gagawin dahil mismong sa loob po ay dinismiss lamang lahat ng mga sinabi ko at sinabihan po akong mag move on na lamang kasi yan na raw po talaga ang kalakaran sa showbiz. Nagbigay po ako ng letter sa GMA artist group, para ma release ako at gusto lang po sana ay mismong sa network lang ako makatrabaho. Pinag initan na po ako ng mga tao duon,” inamin ni Gerald Santos.

Humingi rin si Santos ng tulong sa Senado para maisampa niya ang mga kinakailangang legal na kaso laban sa kanyang dating musical director na umano’y nang-harass sa kanya noong 2005.

“Sana po Senator Robin and Senator Jinggoy ay matulungan niyo po akong magkaroon ng hustisya. Wala po akong kakayahan na makapag reklamo dahil wala naman po akong pera. Sa ngayon po ay napasama ako sa Ms. Saigon International ngunit hindi po talaga sapat ang kita ko para maka sustain kung mauuwi po ito sa legal na paraan. Sana po matulungan niyo ang mga kagaya namin.” apela ni Santos na nagsasaad na na-ban na siya bilang isang regular na artista ngunit minsan ay lumalabas pa rin naman aniya siya sa ilang mga shows bilang isang guest artist na lamang.

Binanggit din niya na nais ng ilan sa mga kasamahan niya sa GMA artist group na tanggapin niya na lamang ito dahil sa ito na raw ang nakasanayan kalakaran at ang katotohanan sa industriyang ito. Diumano ay malapit ang kanyang musical director sa top executive sa nasabing network na para sa kanya ay naging dahilan kung bakit hindi na rin siya nakakuha ng ilan pang project bagamat inamin din niya na nag resign siya sa GMA artist group at nais na lamang niya na dumeretso sa network mismo.

Napag-alaman mula sa ilang legal expert sa Senado na ang kasong tulad ni Gerald Santos ay may prescription period na hindi bababa sa 20 taon kung saan maaari pa rin itong magsampa ng mga kriminal na kaso laban sa umano’y umabuso sa kanya sa panahon na menor de edad pa ito noong 2005.

Inamin ni Santos na ngayon ay 34 anyos na siya sa kasalukuyan at ang paglantad ni Sandro Muhlach at naging kaganapan din sa buhay ng batang aktor ang siyang nagbigay inspirasyon sa kanya upang muling lumabas.

Aniya noong mga panahong iyon, nang siya ay inaabuso, ay wala pang social media kung saan ay maipapalabas ng mga kagaya niya ang pressure at ang sakit na dinanas ng mga biktimang katulad nila.

Si Sandro Muhlach na pangunahing paksa ng imbestigasyon ay lumitaw (virtually) at ikinuwento nito kung paano siya nakumbinsi na mapapayag sa imbitasyon ni Jojo Nones.

“Si Mr. Jojo po ang unang nag text sa akin. And hindi ko na po siya sinagot nung sinabi niyang si lang ang nasa kwarto.”

Inilahad din ni Sandro kung paano sinabi ni Jojo Nones na isasama pa aniya siya nito sa mga project na siya ang direktor na pinalagan naman ni Sen. Estrada.

“Director ka ba sa GMA 7? Bakit ganyan sinabi mo kay Sandro?” tanong ni Estrada.

Agad naman nilinaw ni Nones na hindi siya direktor ng GMA ngunit marami aniya siyang project na siya ang director lalot sa mga indie project na kanyang dinidirect.

“Yung sumunod po na text ni Sir Jojo. Sinabi niya na kasama niya ang mga drama peeps. Siyempre po inisip ko na ito na ang chance para makapag PR (public relation) man lamang ako sa kanila.

So sinabi ko po na dadaan ako para maka pag say Hi po kahit papano sa kanila. Inisip ko rin po na ito na ang chance para makilala ko sila at mag PR kahit papano.”

“Pagdating ko po sa kwarto nila ay dalawa lang silang nakita ko. Nakahiga si Mr. Richard Dode Cruz at mukhang lasing na. Duon na po ako binigyan ni Sir Jojo nang maiinom,” sabi ni Sandro pero tumanggi siyang ituloy ang pagsasabi ng mga detalye. makakaapekto ito sa mga legal na hakbang kung isasaalang-alang na ang mga inaakusahan ay hindi pa nakakatanggap ng kanilang pormal na reklamo.

Napikon naman si Sen. Estrada kung saan ay iginiit niyang dapat sabihin ng mga ito ang totoo ngayon sa pagdinig upang mabigyan na ito ng tamang mukha ano talaga ang tunay na pangyayari.

Ang abogado ni Sandro Muhlach ay namagitan na nagsabing ang kanyang kliyente ay magsasabi lamang ng mga detalye sa isang executive session at tanging sa mga kagalang-galang na senadorlamang at hindi kasama ang dalawang akusado at ang kanilang mga legal team.

Matapos ang executive session ay muling ginisa ng mga senador sina Nones at Cruz. Tinanong nila si Nones kung ano ang katotohanan at pinalahad din dito kung ano ang totoong nangyari nuong panahon na inimbitahan niya ang batang Muhlach.

Nanindigan naman si Nones na inosente sila at walang katotohanan ang mga bintang ni Sandro Muhlach kung kayat nagdesisyon na si Estrada na i-cite for contempt si Nones bilang babala aniya na hindi pwedeng pagsinungalingan ang Senado lalot ito aniya ay isang sensitibong isyu.

Na-cite for contempt si Nones at kasalukuyan nasa poder na Senado.

Nanindigan naman si Sen. Robinhood Padilla na bagamat hindi korte ang Senado ay hindi aniya papayagan ang anumang pagpapaikot at pagsisinungaling sa anumang pagdinig.

Sinabi naman ni Senador Robinhood Padilla na siyang namumuno sa Senate committee on public information na hindi korte and kanyang komite ngunit nais nilang malaman ang katotohanan upang makagawa ng tamang batas na patas sa lahat. Sinabi rin ni Padilla na sa kanyang pananaw, malakas ang mga ebidensiya laban sa mga akusado kung kayat mas mainam aniyang magsabi na lamang ng katotohanan.