Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Holdup

2 holdaper biniktima Alfamart sa Batangas, P200K nanakaw

148 Views

PINASOK at hinoldap ng dalawang lalaki ang branch ng Alfamart at tinangay ang humigit-kumulang sa P200,000 kita ng tindahan sa Brgy. San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas noong Linggo.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-4:25 ng umaga pinasok ng dalawang suspek na naka-face mask, gray jacket, gray na pantalon habang ang kasama naka pulang jacket, itim na pantalon at sakay ng motorsiklo.

Tinutukan ang cashier at tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa hindi pa malamang direksyon pagkatapos ng holdap.

Hindi nahuli ang mga suspek.