Abad Nagbigay ng pahayag si MPD Director PBGen. Arnold Abad kaugnay sa dalawang Japanese national na namatay sa pamamaril sa Ermita, Manila. Kuha ni JON-JON C. REYES

2 Japanese national patay sa Malate ambush

Jon-jon Reyes Aug 18, 2025
478 Views

NILINAW ng pamunuan ng Manila Police District (MPD), sa pamumuno ni Police Brig. General Arnold Abad, ang mga pangyayari kaugnay sa pamamaril sa dalawang Japanese national sa Ermita, Manila.

Dalawang Japanese national na lulan ng taxi ang tinambangan ng mga suspek na riding in tandem sa Malvar Street, malapit sa harapan ng Sheraton Hotel sa Mabini Street, Malate, Manila, gabi ng Biyernes.

Bumuo ng Special Investigation Task Group Malvar si Abad upang maaresto ang tumakas na mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pawang nakasuot ng helmet.

Kinabukasan ng gabi nang makatanggap ng report ang Ermita Police Station 5 sa nasabing shooting incident sa lugar, dakong 10:45 ng gabi.

Noong Linggo ng bandang 10:12 ng umaga nang madiskubre naman ng mga tauhan ng Malate police ang ginamit ng mga suspek na getaway vehicle sa panulukan ng Taft Avenue at Malvar Street sa Malate.

Sinabi ni Police Major Philipp Ines, ang hepe ng Public Information Office, taliwas ito sa unang napabalita na dalawang Korean national ang tinambangan sa loob ng taxi na may tama ng bala sa ulo.

Wala namang pagkakakilanlan sa dalawang biktima at napagalaman na nanunuluyan ang mga ito sa Hotel Casino sa Pasay City.

May hinalang malaking pera ang involved dahil tinangay ng mga suspek ang bag ng mga biktima.

“The relentless efforts exerted on this case reflects our unyielding commitment to peace and order in Manila. We will continue to intensify our efforts and protect our communities from any form of criminality. Those who harm the innocent will never sleep easy again in our city,” pahayag ni Abad.