Agoncillo

2 kelot utas sa baril; suspek nakatakas, ‘di nakilala

15 Views

PATAY ang dalawang lalaki nang barilin ng hindi nakilalang salarin sa sabungan sa Brgy. Bagong Sikat, Agoncillo, Batangas noong Sabado.

Kinilala ang dalawang biktima na sina alyas Jordan at alyas Jelo habang ang nakatakas na suspek may taas na 5’3, kalbo, naka-itim na t-shirt at maong shorts, ayon kay P/Lt. Col. Jacinto Malinao Jr., hepe ng Batangas police.

Bandang alas-10:30 ng gabi nakita umanong nagtatalo ang mga biktima at ang suspek na kalaunan nauwi sa suntukan.

Umalis si alyas Jordan sa lugar matapos ang insidente subalit sinundan siya ng suspek at pinaputukan ng ilang beses na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Si alyas Jelo nahagip rin ng bala na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Matapos ang pamamaril tumakas ang suspek patungo sa hindi tiyak na direksyon.