2 lalaking nakasakay sa MC, arestado sa paglabag sa gun ban sa Ecija

Steve A. Gosuico Mar 30, 2022
279 Views

GUIMBA, Nueva Ecija — Arestado sa checkpoint ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos mamataan na may hawak ng hindi lisensyadong pistola na may ilang bala nitong Sabado ng umaga dito.
Sinabi ni Nueva Ecija provincial police chief Col. Jess B. Mendez na nahuli ang dalawang suspek matapos silang i-flag down sa isang checkpoint sa Bgy. Tampac bandang 7:55 a.m.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sakay ng pulang Kawasaki Bajaj motorcycle na sina Ponciano Labiano, 59, driver, ng Bgy. Manacsac, at ang kanyang back rider na si John Paolo Martinez, 27, ng Bgy. Tabing-Ilog, parehong bayang ito.

Sa checkpoint, hiniling sa driver na ipakita ang kanyang lisensya sa pagmamaneho at dokumento ng pagpaparehistro ng sasakyan. Gayunpaman, napansin ng nag-iinspeksyon na opisyal ng pulisya ang isang hawakan ng baril na nakausli mula sa sling bag ng driver.

Sinabi ni Mendez na inamin ng suspek na ito ay baril ngunit nabigo itong maipakita ang mga kaukulang dokumento para dito, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa.

Nasamsam ang isang Llama Max-1 cal.45 pistol na puno ng mga bala at dalawang ekstrang magazine na naglalaman ng 20 piraso ng bala.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comelec gun ban at Republic Act 10591 ang mga naarestong suspek. Kasama si Blessie Amor, OJT