Calendar
Provincial
Mananaya sa Cavite nanalo ng P42.2M
Peoples Taliba Editor
Mar 30, 2022
524
Views
ISANG mananaya sa Tanza, Cavite ang nanalo ng P42.2 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola noong Marso 28.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang tumaya sa winning number combination na 07-25-08-03-12-05.
Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 178 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,000 naman ang tinamaan ng 5,065 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 naman ang 53,875 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
Ang mga premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.
Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Mahigit P2.5M shabu nakumpiska sa drug suspek
Apr 19, 2026
Bihirang Palawan Leopard Cat ibinalik sa gubat
Apr 19, 2026

