Calendar
2 Pinoy, 5 pelikula mula Godzilla franchise binigyan ng rating ng MTRCB
KABILANG ang dalawang gawang-Pinoy na sine at limang pelikula mula sa “Godzilla” franchise na binigyan ng rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ngayong
linggo.
Tiwala si MTRCB Chair at CEO Lala Sotto na mas maraming maeengganyo na magpunta sa sinehan, laluna at karamihan sa mga tampok na palabas ay rated Parental Guidance (PG).
“Masaya kami na may dalawang gawang-Pinoy na sine na kabilang sa mga palabas ngayong linggo. Inaanyayahan namin ang lahat na magbalik-sinehan, pero tingnan muna ang ratings ng MTRCB
para sigurado tayo na angkop sa mga anak natin ang kanilang mapapanood,” sabi niya..
Bida sa “Pee Mak” sina Wilbert Ross at Bea Binene. Ito ay Pinoy adaptation ng sikat na 2013 Thai horror-comedy film at binigyan ng PG rating dahil sa supernatural horror, frightening imagery at
romantic themes, pati na ang magaspang na pananalita at pagmumura sa ilang mga eksena.
Ang Cinemalaya Independent Film Festival entry na “2 Valid IDs” ay nakakuha rin ng PG rating.
Tampok sa family drama na ito sina Pokwang, Joey Marquez, Zaijan Jaranilla at Meryll Soriano.
Sabi ng MTRCB, may tema ito ng mga problema na dulot ng kahirapan at kawalan ng patunay ng pagkakakilanlan, na nagtulak sa bida na gawan ng paraan ang medical situation ng kanyang asawa.
Ang action-adventure na “Street Fighter,” na pinagbibidahan nina Noah Centineo, David Dastmalchian at Jason Momoa, ay rated PG dahil sa mga tema ng competition, pagkakaibigan, rivalry, personal conflict, perseverance at pagharap sa nakaraan.
“The story is presented in a heightened action-adventure style, with the tournament and characters’ personal struggles driving the narrative,” sabi ng Ahensiya.
“Whalefall,” isang adventure drama na tampok sina Austin Abrams, Josh Brolin at Brian Duffield, ay nakakuha ng PG rating para sa kwento ng pagluluksa, pagkawala ng magulang, strained family relationships, survival at ang kagustuhan na mabuhay sa gitna ng emosyonal na sakit.
Sabi ng MTRCB, ito ay may tema ng suicide at suicidal thoughts.
Samantala, ang South Korean adaptation ng “The Intern” ay rated PG at ekslusibong mapapanood sa SM Cinemas.
Bida rito sina Choi Min-sik, Han So-hee at Kim Jun-han. Tinatalakay nito ang workplace relationships, generational differences, career pressure, leadership, family responsibilities at ang kahalagahan ng karanasan at mutual na respeto.
“Its positive messages about cooperation, perseverance, and understanding between generations are appropriate for younger viewers,” sabi ng Ahensiya.
Ang “The Thing With Feathers,” isang 2025 psychological drama thriller, ay may R-13 rating.
Tampok dito sina Benedict Cumberbatch, Sam Spruell at David Thewlis.
Ito ay may “depictions of horror, frightening scenes and occasional gore, mature themes of grief and despair in suddenly losing a loved one, moderate swear words and menacing language” na maaaring hindi angkop sa mga manonood na mas bata sa 13 taong gulang.
Ang action horror “Beware Boiúna” ay nakatanggap ng R-16 rating dahil sa pagpapakita ng “survival, human conflict and the danger of entering an unfamiliar natural environment.” Bida rito sina Logan Marshall-Green, Jessica Rothe at Kiana Madeira.
“When Evil Lurks” ay rated R-16 rin dahil sa “graphic but non-gratuitous depiction of horror, frightening scenes and gore, graphic but non-gratuitous depiction of violence and gore, language and themes of evil possession.”
Tampok dito sina Ezequiel Rodriguez, Demián Salomon, Luis Ziembrowski, Silvia Sabater at Marcelo Michinaux. Ekslusibo itong mapapanood sa Megaworld Cinemas.
Ang “Always Lalisa,” isang feature-length documentary tungkol sa BLACKPINK member na si LISA, ay rated PG.
Ito ay may “generally suitable themes concerning career development, perseverance, artistic expression, and personal growth,” sabi ng MTRCB.
Samantala, ekslusibong magpapalabas ang SM Cinemas ng “Godzilla Festival.” Kabilang dito ang limang Godzilla films mula 1964 hanggang 2016 na rated PG ng MTRCB.
Ito ay ang: “Mothra vs. Godzilla” (1964), Godzilla vs. Biollante (1989), “Godzilla 2000: Millennium” (1999), “Godzilla Final Wars” (2004) at “Shin Godzilla” (2016).
Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.
Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.
