Quimbo

2025 budget ng OVP tinapyasan

Mar Rodriguez Sep 12, 2024
121 Views

𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗗𝗢 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗔𝗽𝗽𝗿𝗼𝗽𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗽𝘆𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗻𝗶 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗜𝗻𝗱𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗿𝗮 𝗗𝘂𝘁𝗲𝗿𝘁𝗲 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗶𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆𝗼𝗿𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗮 “𝗿𝗲𝗱𝘂𝗻𝗱𝗮𝗻𝘁” 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝘀 𝗯𝘂𝗸𝗼𝗱 𝗽𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮-𝗮𝗻𝗼𝗺𝗮𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘁𝗲𝗹𝗹𝗶𝘁𝗲 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 (𝗢𝗩𝗣) 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗿𝗲𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁 (𝗖𝗢𝗔).

Ayon kay Marikina City 2nd Dist. Rep. Stella Quimbo, unanimous ang naging pagboto ng mga kasapi ng Committee on Appropriations upang tapyasan ng P1.3 billion ang budget ng OVP mula sa P2.037 proposed budget nito para sa susunod na taon. Kung saan, bumaba na lamang sa P733 million ang kanilang 2025 budget.

Paliwanag ni Quimbo na ang tinapyas na P1.3 billion sa panukalang badyet ng OVP ay ililipat sa Medical Assistance Program ng Department of Health (DOH) at sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng pagtulong ng ahensiya sa mga indigent at mahihirap na pamilyang Pilipino.

“Ililipat lang ang pondong ito sa DSWD at DOH dahil nakita at nadama din natin na subok na ang DSWD at DOH sa mga programang ito kaya kung ito ay makakatulong lalo na mas mapalawak ang pag-aabot ng tulong sa mga recepients, bagay na hindi naging klaro sa mga programa dati sa OVP batay sa inilabas na report ng COA,” sabi ni Quimbo.

Winika pa ng Marikina City Lady solon na apektado sa naturang budget cut ay ang P200 million na ilalaan para sa supplies na magkakahalaga ng P92.4 million, personnel services for consultants na nagkakahalaga ng P947.4 million, financial assistance – P48 million at para sa Rent/Lease expences na nagkakahakaga ng P5 million.

Gayunman, nilinaw ni Quimbo na hindi ginalaw ang budget para sa personnel servies na kinabibilangan ng sahod ng mga empleyado ng OVP.