Speaker Romualdez

Madrona pinapurihan ang liderato Kamara dahil sa aksiyon vs fake news

Mar Rodriguez Jun 16, 2025
376 Views

Certificate Medal Speaker RomualdezPINAPURIHAN si Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang liderato ng Kamara de Representantes matapos nitong aprubahan ang Committee Report No. 1498 na nagsusulong ng batas para maparusahan ang mga taong saangkot sa pagpapakalat ng fake news sa social media.

Sinabi ni Madrona, chairman ng House Committee on Tourism, na maituturing na isang napakalaking achievement ng Mababang Kapulungan sa ilalim ng 19th Congress ang pagka-aapruba nito sa Committee Report No. 1498 na tuluyang pupuksa laganap na fake news.

Sa ilalim ng CR No. 1498, isinusulong nito na ma-amiyendahan at makapag-balangkas ng isang batas na magpaparusa sa mga sadyang gumagawa ng fake news kasama na ang mga taong nagbibigay ng pondo para sa operasyon nito.

Ipinaliwanag ni Madrona na hindi rin makakaligtas sa parusa ang mga taong nasa likod ng pagpapalaganap ng disinformation kabilang na ang mga troll farms na nagsisilbing banta sa kaayusan at katatagan ng ating Lipunan dahil sa mga laganap na maling impormasyon.

Muling binigyang diin ng kongresista na nagdudulot ng napakalaking kalituhan sa hanay ng mamamayang Pilipino ang pagpapakalat ng mga fake news at disinformation sapagkat pilitin umano nitong binabaluktot ang katotohanan sa ilang mahahalagang issues.

Nagpahayag naman ng malaking karangalan si Madrona matapos itong makatanggap ng Medal of Distinction at Certificate of Recognition mula sa Kamara sa ilalim ng 19th Congress dahil sa kaniyang hindi matatawarang dedikasyon bilang mambabatas sa loob ng mahabang panahon.

“I am deeply humbled to receive the Medal of Distinction and Certificate of Recognition from the House. This honor isn’t just a recognition of my efforts, but a profound testament to the trust and unwavering support of the Romblomanons.