Calendar
2025 GAA naaayon sa batas, valid, maaaring ipatupad — Quimbo
IGINIIT ni Acting House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Stella Luz A. Quimbo ng Marikina City na naayon sa batas, valid at fully enforceable ang 2025 General Appropriations Act (GAA) sa gitna ng mga agam-agam dito.
Sa isang pahayag, inulit ni Quimbo ang mga sinabi nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Executive Secretary Lucas Bersamin, ng Department of Budget and Management (DBM), at ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sumunod sa panuntunan ang pagpasa ng panukalang pambansang badyet.
“The 2025 General Appropriations Act is lawful, valid and fully enforceable,” sabi ni Quimbo.
Iginiit ni Quimbo na ang enrolled copy ng General Appropriations Bill ay komprehensibo at walang blanko gaya ng ipinapakalat ng mga kritiko ng administrasyong Marcos.
“There are two key points I want to stress for the benefit of all. First, the enrolled General Appropriations Bill is complete, with no blank allocations among its more than 235,000 line items. Second, the Bicameral Report explicitly authorized the technical secretariats of both the Senate and the House of Representatives to implement corrections and adjustments as required,” saad ng mambabatas. “These do not affect the integrity nor the legality of the budget.”
Ayon kay Quimbo ang enrolled copy ng General Appropriations Bill ay isinapubliko na isang ebidensya na ito ay kompleto at sumunod sa proseso.
“Makikita po ng lahat ito. Walang tinatago,” giit pa ni Quimbo.
“Any suggestion of impropriety is unfounded and appears to be politically motivated rather than prompted by genuinely substantive concerns. It is unfortunate that an administrative matter is being maliciously misconstrued to create controversy where there is none,” dagdag pa nito.
“This matter has been sufficiently explained, and at a time when we face far real and urgent national challenges, it would be more productive to focus our efforts on addressing the legitimately pressing needs of our people.”
Ang 2025 GAA ay nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Disyembre 30, 2024.
Ang badyet ngayong taon ay mas mataas ng 10% kumpara sa badyet noong 2024 at naglalayon na suportahan ang paglago ng ekonomiya at mabawasan ang kahirapan.
Ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon sa 2025 GAA na nagkakahalaga ng P1.053 trilyon, na sinundan ng badyet ng public works na umaabot sa P1.034 trilyon.
Nauna ng sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na invalid ang badyet dahil mayroon umanong mga bakante sa badyet upang hayaan si Pangulong Marcos na maglagay kung magkano ang badyet para rito.
Upang makita ng lahat, inilagay ng DBM sa website nito ang kopya ng GAA noong Enero 3, 2025.